Chapter XXVII

3.5K 201 29
                                    

Danielle

Tahimik lang ako na nakaupo habang hinihintay na maluto ang itlog at hotdog na niluluto ni ma'am ngayon. Meron na ding siningag kaya kanina pako naglalaway dito kakaintay.

Medyo masakit yung ulo ko pagkagising ko. According to Miss Dela Vega, ang ininum ko kagabi na alak ay Balkan 176 Vodka which has 88% of alcohol. Kaya naman pala ganun na agad yung tama sakin kagabi. Hindi ko talaga kaya ang mga ganun. Madali lang talaga ako lasingin kahit less percentage of alcohol payan.

When I woke up kanina, wala na sya sa tabi ko. Naabutan ko sya dito nagluluto. I actually remember everything. Lasing lang ako pero alam ko ginagawa ko, yun nga lang malakas lang talaga loob ko kagabi. My confession last night, I don't know if she believed or what pero hindi ko naman binuksan yung topic sa kanya. Hindi din naman sya nagtatanong. Kaya siguro mabuti na munang wag pagusapan. Mahihiya lang ako sa kanya tss.

"Wash your hand first Halverson" tinapik nya yung kamay ko na hahawak sana sa hatdog. Inikutan ko sya ng mata at nagdadabog na naghugas ng kamay.

"Napaka OC mo naman"

"Whatever. Kumain kana"

We started eating pero ninanakawan ko sya ng tingin. Para kasing normal lang sya ngayon, hindi kaya sya nagalit sa sinabi ko?

"Blaire?" kumuha ako ng icetea at nilagok ito. Hiniling ko talaga to sa kanya. Tuwang tuwa pa nga ako ng makita yung isang plastic nya ng icetea sa lalagyan. Mahilig din siguro sya doon.

"Hmm?" Tinignan nya ako saglit bago sumubo.

"M-may nasabi bako kagabi or nagawa?"

She stared at me again for a seconds bago tumaas yung kaliwang kilay nya. Uminom sya ng kape na tinimpla ko bago tumingin ulit sakin.

"I don't know, try to remember it" kibit balikat nitong sagot kaya napakamot na lang ako.

"Meron no?" Maang maangan ko pa.

"Just eat Halverson" pagsusungit na naman nya.

Hindi ba sya nakakatagal sa isang usapan na hindi nagsusungit? Geez.

"Ma'am?"

"What?!" Nakataas na kilay ulit nitong tanong. Magkadikit na ang dalawang kilay nya at mukhang nagsisimula na naman sya mawalan ng pasensya.

"Last night uhm --did I told you that I like you?" Tanong ko sa kanya. Then suddenly she began coughing. Nabulunan sya! Binigyan ko sya agad ng tunig at napangiwi ng tignan nya ako ng masama na may kasama pang irap.

"Damn you Halverson!"

I bit my lower lip to suppress my smile. Namumula kasi sya ng sobra. May epekto ba ako sa kanya?

"Ma'am chill. Pulang pula ka na oh" pagbibiro ko pa sa kanya at hindi ko na napigilan na ngumiti pa.

"Shut up. You're really annoying" inis nyang sagot kaya napatawa ako. I love to tease her, she's really cute kapag naiinis sa akin.

"No I'm not" I rolled my eyes. Annoying daw sya nga itong annoying dahil sa kakasungit nya sakin.

"Yes you are."

"I'm not, you're the one who's annoying here ma'am. Lagi mo na lang akong iniirapan at sinusungitan wala naman akong ginagawa sayo" totoo naman diba? Walang araw na hindi sya ganyan sakin.

"Ang bait bait ko nga tapos annoying lang para sayo?" Dagdag ko pa at kunwaring tinitignan sya ng masama.

"Ang panget mo kasi" she seriously said kaya napatigil ako sa pagsubo. Ano daw sabi nya? Nagbibiro ba sya o inaasar nya lang ako? Dalawang beses na nyang sinabi yan at parehong seryoso ang mukha nya. Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now