Chapter XXXIV

3.6K 193 32
                                    

Danielle

"Bakit ang saya mo ata ngayon?"

Kumento ni Erin sa tabi ko. Nandito kami sa gym ngayon nag aantay magsimula yung basketball game.

"Huh? I don't know what you're talking about"

"Asus. Tell me, it's about prof Dela Vega no?" She said teasingly

"No"

"Kahit na sabihin kong papalapit dito ngayon si ma'am hindi ka aamin?" Sabi nya habang nakatingin sa likod ko. Kaya automatiko naman na tumingin ako sa likod. I heard her laugh kaya sinamaan ko sya ng tingin. Pinaglalaruan lang pala ako bwisit.

"Ngayon mo sabihin na hindi sya ang dahilan ng pagiging good mood ngayon. Oh ano?" I gave her my death glare and punch her arms.

"I hate you Erin!"

"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin? Baka naman kasi may ginawa kayo?" Malisyosa nyang tanong na ikinaikot ng mata ko.

I stared at the people around before I tilted my head to face her again "She said I can court her, if I want to" mahinang sabi ko.

Then suddenly she stood up at bigla na lamang nagsisigaw. Agad ko sya hinila paupo ng mapansin ang mga tingin at attention na nakukuha nya. Gosh Erin.

"Ano ba! Nakakahiya ka talaga" pagalit kong sabi sa kanya. Samantalang tinutulak tulak nya lamang ako at pinapalo sa braso. Jusko.

"Girl, hindi nga? Totoo talaga yan?"

"Do I look like I can joke something like that?" Seryosong sagot ko sa kanya kaya napatutop sya ng bunganga nya. Hindi talaga sya makapaniwala no?

"Holy shit! So anong sinabi mo?"

Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim. Napansin ko ang biglang pagtutok sakin ng camera kaya nakita tuloy ako sa screen. Rinig ko ang dagundong at sigawan ng mga anditong estudyante. Hays. Buti wala pa kina Riley, aasarin na naman ako ng mga yun.

Lumapit ako kay Erin at ngumiwi. "Uhm actually iniwan ko sya?" Bigla na lang ako umalis nung sinabi nya yun. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot sa kanya.

"Putangina?!" bulalas ng katabi ko at binatukan ako.  "Tanga ka ba? Bat mo iniwan ng ganun lang?!"

Napakamot na lang ako sa batok at hindi sumagot. "Tapos tuwang tuwa ka pa kasi iniwan mo yung tao? Hindi ka ba nag iisip?!" Dagdag nya pa. Halos manlitid na ang mga ugat nya sa leeg dahil sa inis. Para tuloy akong bata na pinapagalitan.

"I really don't know what to say Erin. It caught me off guard." Yes, never ko pa naman kasi naranasan kaya hindi ko naman alam kung anong gagawin sa sinabi nya.

"Jusko naman, hindi na ako magtataka kung hindi ka na nun kakausapin." Naiiling na sabi nya.

I heave a sigh. So anong dapat kong gawin? Tiyak ay galit nga ito sakin dahil sa ginawa ko. Talagang may gana pa ako ngumiti kanina without realizing na iniwan ko na lang sya bigla. She might think I rejected her. Which is not. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin na sunod.

"I'll talk to her then" I stood up from my seat "Tell them na may gagawin lang ako" I said before leaving the gym.

Finals pa naman and it's the fight between engineering and accountancy. Varsity si Hans kaya dapat sana andun ako. Pero I think Hans' will understand. Babalik na lang ako agad.

Habang naglalakad ako papunta sa office ni ma'am, nadaanan ko yung music  room. Medyo nakausli yung pinto kaya rinig yung tunog na nangagaling dito. Someone's playing the piano.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now