Chapter V

4.1K 199 17
                                    

Danielle

Friday in the afternoon, napag pasyahan ng mga kaibigan ko na mamili ng mga susuotin daw nila sa welcome party. Walang papasok na mga prof so they decided na magmall na lang.

Kahit ayokong sumama, napilitan na lang ako dahil sa mga hawak nila sakin kanina. Wala nakong nagawa kundi nagpakaladkad na lang. Geez they are pushy. Madami naman akong pwedeng suotin para bukas. I don't even want to overdress tomorrow, and I don't want attention.

"San muna pala tayo? " We decided to use one car which is Kay Hans, sya nadin yung nagdrive. Iniwan ko muna kotse ko sa school dahil ayaw nila kong pakawalan kanina. Pati nga susi ng kotse ko kinuna ng walanghiyang Erin.

"Let's go eat muna? I'm kinda hungry"

Sumang ayon nalang yung apat Kay Riley. Pare pareho naman kaming gutom kaya nga gustong gusto ko na makaalis kanina.

"Japanese or Italian restau?" Asked by Hans

"Italian" Celine. Riley

"Japanese" Hans, Erin

Napatingin sila sakin. "Where do you want Dan? Ikaw na magdecide"

So I am the one who will choose and its me to decide where. I mentally smirked "KFC" I simply answered na.

Nagbagsakan naman ang mga mukha nila sa sinabi ko. Kanya kanyang reklamo pa sila. "What? I want KFC" Tatanungin nila ako tapos ayaw nila? Sana hindi na lang sila nagtanong diba, besides kilala naman nila ako na hindi masyadong gusto ang mga expensive restaurant.

Ayun nga wala na silang nagawa kundi tumango na lang. Minsan ang sarap din nilang gaguhin e. Kahit alam ko naman na ayaw nila basta ako nagdecide, oo na lang sila. Mga takot siguro sakin.

"Hindi ka ba nagsasawa sa icetea at chicken Dani?" Naiiling na sabi ni Celine  habang nilalapag ang mga inorder namin.

"And so?" Wala naman silang pakialam, ako naman yung kumakain hindi sila. "Mind your business Celine"

"Chill gurl, meron ka ba?"

Kapag nagsusungit, meron na agad? Hindi ba pwedeng nasa oras ako magmaldita.

"Okay na nga yan Celine e, kesa naman cold sya satin. Alteast nakakausap diba" I glared at Erin pero tumawa lang ito.

"Nga pala Dan, nakahanap ka na ba ng photographer?"

Yung photographer kasi nung club namin, graduated na. Kaya eto wala kaming kukuha ng picture sa event para ma'published sa newspaper.

"Nah, ako na lang"

Sabay sabay naman napatingin sakin ang apat "Hindi nga?" Bingi lang Hans?

"Yah"

Hindi naman ako magaling sa pag kuha ng mga pictures pero hobby ko talaga since nung bata pako aside from reading. Meron akong collection ng iba ibang camera sa kwarto ko. Dati naisip ko na kumuha ng photography pero ayun nga dahil gusto ng kapatid ko na mag medicine, wala nakong choice kaya kinuha ko ay business.

Dapat kasi may isa samin na hahawak ng businesses ng magulang ko. Nagpaubaya nalang ako sa kapatid dahil syempre bilang nakakatanda, kailangan. I also want my sister to be happy and choose whatever she wants.

Kanya kanya naman silang kwentuhan habang ako tahimik lang na kumakain . I felt my phone vibrated kaya agad ko itong tinignan.

Tazannah DelaVega

Office, meeting
at 4:30 pm

Don't be late

Tumingin ako sa oras, it's already 4 in the afternoon na. Hala baka malate ako. Agad naman akong tumayo kaya nagtataka nila akong tinignan. "May meeting sa club, gotta go"

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now