Chapter XXXVIII

3.5K 212 47
                                    

Danielle

"Congrats Dan! Congrats guys!"

Nagsilapitan ang mga kaibigan ko at niyakap ako ng mahigpit. We won so they are all happy dahil manlilibre daw si Gray ngayon. Of course as expected sa mga kaibigan ko na patay gutom. G agad.

"Congrats Dani. You're amazing kanina." Haven walked towards me at may binigay na isang rose. Tinaasan ko sya ng kilay pero ngumiti lamang ito.

"Congratulations, ang galing mo pala kumanta!" it's Hades, nagbigay din sya ng  bulaklak pero halatang kinuha lang sa garden ng school. Jusko.

What's with these two at parang kanina pa kung ano ano ang ginagawa sakin.

"Ehem haba naman ng hair ng kaibigan natin haha"  my friends laughed at nagkunwaring pinuputol ang buhok ko.  They keep on teasing me. Kanina pa sila actually.

"Pinsan mauna na kami ha. Sunod na din kayo" sabi ng kararating lang na si Gray kasama ang banda nya. They were thanking kanina pa, it's because this is the first time they got the first place since sumali sila dito. So I'm their luck daw psh.

"Take care. Sunod lang kami" I said to him

Gray hugged me bago sila umalis. Ngayon ay naiwan na lamang kaming magkakaibigan. Inaantay pa namin si Hans na pinatawag kanina. 

"Ang tagal naman ni Hans" Erin said na mukhang naiinip na. Almost thirty minutes nadin kasi kaming nag aantay sa lalaking yun.

"Nga pala Dan, feel na feel mo yung kanta kanina ah" kumento ni Riley habang nakatingin sakin.

"The best kasi tong kaibigan natin." Celine said at inakbayan ako. I only rolled my eyes at nababagot na umupo.

I'm actually relieved na hindi nila nakita yung pag iyak ko sa stage. Mabilis kasi akong tumalikod pagkatapos agad ng kanta. Ayoko matutok sakin yun camera habang may lumalabas na pesteng luha sa mata ko. Nakakainis. Ayoko pa naman umiyak, parang ang hina ko naman. Tangina kasing pag ibig, mapanakit ng sobra. Di naman inaano.

"Dani babe, pinapatawag ka sa teachers office" sabi ni Hans na kakadating lang. Ano naman gagawin ko sa teachers office?

"Bakit daw?"

"I don't know punta kana lang" kibit balikat nyang sagot. I heave a sigj at tumingin sa kanila.

"Mauna na kayo, susunod na lang ako" sabi ko sa kanila. Alam kong gutom na sila kaya papaunahin ko na.

"Sure ka Dan?" Riley asked and I nodded.

"May kotse naman ako, isama nyo na tong si Harper."

Tumango naman sila at umalis na. Napatingin ako sa dalawang taong naiwan na nakatingin sakin.

I raised my brow at them "Di kayo sasama sa kanila?"

"Uhh hindi, uuwi na din ako" sabi ni Haven na kumakamot. Tumingin naman ako kay Hades.

"I'll go home to, uuwi sina mama"

"Then why you're still here?" Uuwi na pala pero nakatunganga lang sakin.

Sabay silang umiling at awkward na tumawa. "Pasok kana Dan sa teachers office. Aalis na din kami pagpasok mo" Hades said kaya kahit naguguluhan sa inaakto nila ay naglakad na lang ako paalis. Geez, they're weird.

When I reached the teachers office I knocked three times before I open the door. All the people inside the room turned their heads the moment they see me.

Pero sa dalawang tao lamang nakatutok ang attention ko. Specifically sa babaeng nasa tabi nya. I can't believe it, she's a professor too? Bakit ngayon ko lang ata sya nakita? Napakuyom ako ng kamao. They're too close with each other. Nandito na naman yung bigat. Yung sakit. Bakit lagi na lang ata ako bininiro ng tadhana..ayaw akong tantanan.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now