Chapter X

3.6K 200 8
                                    

Danielle

Nagising ako sa init ng araw na tumatama sa balat ko. Nagpalinga linga pako bago ko maalala na wala nga pala ako sa kwarto kundi nandito sa loob ng office ni Miss Dela Vega.

Yung init na tumatama sa balat ko ay nangagaling sa bintana na nakabukas. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Maliit lang ito at tamang tama lamang para sa isa o dalawang tao. Ang linis ng kwarto, puro ito puti. Mula sa pintura at mga disenyo na nalagay sa wall. May mga painting din na nakasabit at meron din syang mini library. Wow, I think I will love this place. It's so comfy and very refreshing.

Pumunta ako sa table na halos katabi lang ng kama, ito ata ang study table nya. Napakunot noo ako ng makita ang isang picture frame na nakataob, nang tignan ko ito may dalawang babae at isang lalaki ang andun. Isang bata, at sa tingin ko ay mag asawa yung dalawa. Pero ang nakapagtataka dahil burado ang mga mukha nang mag asawa. Sino ang mga ito at bakit halatang sinadyang kiskisin ang pictures ng dalawa para mabura ang mga mukha nila?

Binalik ko agad sa dati ang picture frame ng makita ang orasan. Alas dos na pala ng hapon. So it means, I was asleep for almost 5 hours? Kaya naman pala hindi nako lantang gulay gaya kanina.

Lumabas na ako ng kwarto matapos kong tignan ang sarili ko sa salamin. Baka kasi may mga tuyong laway pa pala ako eww.

And then I saw her, she's busy writing in her table. I roamed my eyes around her office, ngayon ko lang napansin na ang laki pala nito. How come she's the only one here at hindi sya nandun sa office ng mga teachers? Bakit parang may special treatment sya?

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya na tagumpay naman dahil agad syang lumingon.

"Are you hungry?"

Napatitig ako sa kanya, is she asking me if I'm hungry?

"Halverson, I'm asking you" I blink a lot of times bago napakamot ng ulo. Why I'm always like this when she's doing things so unexpected.

"Yes ma'am" I honestly answered. Totoo naman, hindi ako naka pagbreakfast kanina dahil nadin sa pagmamadali, hindi din ako nakapaglunch dahil sa antok kanina.

"Take a sit, the food will arrive soon" kinakausap nya ako pero yung tingin nya nasa laptop padin. Good mood ata sya ngayon, ang bait sakin e.

"Miss Dela Vega, can I ask?"

"You already did" sabi ko nga

"Bakit po ako andito?" Nagtataka padin ako, uutusan nya bako or what.

She didn't answer at sinara yung laptop nya. Umayos sya ng upo at tumingin sakin. Her usual stare ang pinapakita nya sakin ngayon. Malamig. Walang laman, walang katapusan, parang isang balong malalim na hindi mo maintindihan. Na hindi mo pwedeng makita at madiskubre kung anong meron dito

"I want you to help me distribute this week newspaper in professors office." .

I just nodded at her. I already expected that coming from her. Gusto nya ata ako pahirapan. There are three professors office in this school. At malalayo ito sa isat isa. Imagining myself holding a bunch of papers while walking around the campus already gives me headache. Ang daming newsapaper ang ibibigay dahil madami ang prof dito, pano na lang ang bigat nun?

Napahilamos nalang ako sa mukha. I'm mentally sending her a death glare. She's pissing me off!

"Stop killing me on your mind and eat, so we can start and finish earlier" andun na pala yung pagkain hindi ko man lang napansin.

Mabigat ang mga paang lumapit ako sa kanya. I glared at her ng tinaasan nya ako ng kilay. Nahalata nya ata na naiinis ako sa kanya.

"Papakainin mo lang bako para pahirapan mamaya?" nagdadabog na sabi ko habang kumukuha ng pagkain.

"Walang ice tea?" Pagrereklamo ko pa dito. Hays, hindi ako nakakakain ng walang ice tea no!

"May tubig na, it's better" 

"But ma'am I can't eat without it!"

"Are you going to eat or not?" napalunok ako sa boses nito. What the hell, tinatakot na naman nya ba ako?

"Puro ka nalang icetea, alam mo bang masama yan sa katawan Halverson?"

Alam ko, pero hindi ko naman mapigilan kasi masarap. Nasanay nakong simasama ko lagi ito sa pagkain ng kahit ano. My parents, pinapagalitan nila ako lagi about that pero wala naman silang magagawa dahil makulit ako.

"I know" I started eating na lang dahil gutom na talaga ako. And I think, this person na nasa harap ko hindi ako pagbibigyan. Baka mas lalo lang ako nitong pahirapan kapag nagreklamo pako. Uggh dapat nasa bahay ako ngayon natutulog at nagpapahinga sana. Tsk!

Tahimik lang ulit kaming kumakain, panaka naka ko ulit syang tinitignan. Sometimes I wonder if ganyan na sya since bata pa. Malamig at mahirap basahin. I'm curious and intrigued about her. I know she's more than her being a professor, I know there's more about her, deeper and scarier.

"Stop staring at me, when I'm eating Halverson. Wag kang bastos"

Wala bang oras na hindi sya magrereklamo sa mga ginagawa ko? I know naman na mali ang masyadong tumitig sa tao, pero I'm staring at her  respectfully! Hindi ko naman sya binabastos sa isip ko ah.

"I'm staring respectfully ma'am, there's nothing wrong with that." Pagtataray kong sagot sa kanya.

Kinuha ko na lang yung newspapers na nasa gilid at hinarang sa mukha ko para hindi ko makita yung masamang tingin nya. Tapos nako kumain, samantalang sya hindi pa nangngalahati. Pansin ko lang ang bagal nya kumain, ang hinhin din kumilos habang kumakain. Yung totoo galing ba sya sa royal family?

As usual puro mga blind item ang nasa newspaper. Puro mga nabuntis, kabit at kung ano ano pang story ng mga estudyante ang nakapaloob. Seryoso bang kailangan tong ibigay sa mga prof? Nakakahiya ang mga nandito. Gosh, hindi ko man lang nacheck before ma'published. Wala man lang kahit isang interesting na nakalagay.

Ibabalik ko na sana ang newspaper ng madako ang pansin ko sa entertainment section. Holy, may mga nagbibigay na pala ulit ng tula nila para idedicate sa taong gusto nila. Dati kasi nawala ito, nawalan ata ng mga interes ang ibang estudyante dahil dun sa pakulo dati na radio station dito sa school. Dun na sila nagstart mag dedicate ng songs para sa mga gusto nila kaya nakalimutan na yung newspaper. And suddenly, nagbalik ulit ito.

Someone poem caught my attention. And it's for me.

What colour of her eyes?

Brown eyes, are much common
But your eyes speaks in depth raw of emotion
What lies behind those golden honey like pair of eyes?
It sometimes becomes so dark
That blends with it's pupils
Are you casting your own spell?
I find it hard to meet
Just like the colour of life and death
You have your eyes amber and onyx
Even with the tiniest kiss of the sun
It's shines and become copper pool of fire
With every glimpse of your brown eyes
A part of me sprung right back to life

- H. P

It's written for me. I have my name on it. It's the first time someone wrote a poem about me. Karamihan sa mga nagparamdam ng kanilang pagkagusto sakin ay pagbibigay ng bulaklak at kung ano ano pang materyal na bagay. I've been a fan of poet ever since, having someone describing me using it --- made me happy. Holy, I wish I could meet that sender.

I felt some stare kaya binaba ko muna yung hawak kong newspaper. Miss Dela Vega is staring at me with her famous cold look again.

"Ma'am?" She only raised her right eyebrows

"Bakit meron ka po nito?" Referring to this office room. Is she somewhat special and she can have this easily? Kahit nga matatagal ng prof, wala ang mga ito na gantong office.

"Maybe ask them? I don't even know too"

She's smirking now huh. Firs time nya ata inangat ang side lips nya. I'm honestly dying to see her smile for the first time. Pano ba sya mapapangiti?

"Do you even smile Miss Dela Vega?"

"Of course I do." weh? tingin nga

"But with only those people who are somewhat  special"

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now