Chapter XIX

3.4K 201 29
                                    

Danielle

Bago ako umalis ng party sinigurado ko munang naibigay ko kay Megan yung regalo ko. Tiyak ay magtatampo yun kapag hindi ako ang mismong nagbigay. Masyado pa naman yun matampuhin pero okay lang naman kahit hindi ako magstay doon hanggang matapos, alam naman nun na ayoko sa mga ganoong okasyon.

Now that I'm here sa pintuan ng kwarto nya, hindi ko na naman mapigilan ang kabahan. Hindi ko alam kung kailan ba magiging normal ang pagtibok ng puso ko sa tuwing malapit sya. Sa tingin ko siguro ay hindi na, nasanay nadin akong ganto lagi. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa tuwing magkikita kami ay natutuwa ako. Just weird and new to me.

Hindi pa nga ako kumakatok ay bumukas na ang pinto nya. Medyo nagulat pako dun dahil saktong sakto ang pagbukas nya. It's like she's been waiting for me.

"B-Blaire" it's also not new to me that I'm always stuttering in front of her everytime I'm nervous. I'm quite used to it. Nasasanay na din ako sa mga bagay na bago sakin tuwing nagkakasama kami. I don't know exactly was this but I'm not complaining. I'm actually liking it and soon I hope I will know all the answers.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng hindi nagsasalita. Sanay na din naman ako sa pagiging tahimik nya. I'm not a talker alam yan ng mga kakilala ko pero sya, daig nya pa ako sa patahimikan. Sa loob nga lang sya nang classroom hindi nagsasayang ng boses. Dun lang sya nakakapag salita ng sobrang mahaba.

Umupo sya sa isang upuan kung saan may isang table na puno ng pagkain. Napataas ang kilay ko ng tignan nya ako ng malamig. Nakapang tulog na sya ngayon. Mukha talagang walang balak umattend ng party. Hindi na din sya parang lantang gulay kagaya kanina. May sigla na ulit sa mga mata nya kahit malamig padin.

Lumapit ako sa kanya at sinalat yung noo nya. Hindi na sya masyadong mainit gaya ng kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. I'm glad she's fine na.

"Kumain kana ba?" Umiling ako sa kanya


Umupo ako sa isang upuan na nasa harap nya at tinignan ang mga pagkain na nasa mesa. Ibat iba itong klase ng pagkakaluto ng manok. Tapos may isang pitsel din na icetea.


Kagat labi akong tumingin kay Miss Dela Vega. Nakatingin din sya sakin at tinataasan ako ng kilay. Nagtataka siguro sya kung bakit ako nakangiti ngayon. Sinong hindi ngingiti kung lahat ng paborito mo nakahanda sa mesa tapos kasama ko pa sya.

"Thank you Blaire. Kain na tayo, I'm hungry!" magiliw kong inumpisahan ang pagkain. Shet bakit parang ang sarap ng pagkain ngayon.


"Anong meron? Bakit ka mabait?" Takang tanong ko habang nilalantakan yung manok.


"Nothing. I just want to. May masama?"


"Hindi naman, sanay nadin naman ako" kibit balikat kong sagot sa kanya. She only glared at me at umirap.


"Pero bakit moko pinapapunta dito?" Gusto nya bako makasama? Char. Baka sipain nya pako kung nababasa nya ang mga naiisip ko.


"May papagawa lang ako"


"Ahh, nga naman pinapapunta mo lang naman ako kapag may kailangan ka" hindi ko alam kung anong tono ng pagkakasabi ko nun pero feeling ko hindi nya nagustuhan.

"Of course, meron pa bang ibang rason?" Ouch haha di naman masakit.


"No other reason ma'am" I coldly answered at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko. Bigla atang naging mapait yung icetea. Tangina hindi na masarap yung pagkain.


Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now