Chapter XLVIII

2.4K 103 9
                                    

Danielle

"Good mood ata yung isa, tamo" anya Erin sa mga kasama namin na naging dahilan para magtinginan ang iba sakin. Napaikot na lamang ako ng mata ng tignan nila ako na parang sinusuri.

Hans staring at me like I should spill what's up or hindi nila ako titigilan. Hays mga chismoso nga naman.

"Tantanan nyo ko at masakit ang ulo ko" well totoo naman, my head is hurting dahil hindi ako masyadong nakatulog. Iniisip ko kung pano ko sasabihin sa lolo ko na ayoko sa kasunduan na gusto ko. Lalo pa ngayon na alam ko ng gusto din ako Blaire.

"Masakit daw ang ulo pero ngumingiti. Nababaliw kana teh" turan ni Riley at may kasama pang pagtapik sa balikat ko.

"Kayo na ba Dani?" Celine asked and I shook my head.

"Hindi pa, madami pa akong kailangan tapusin. Besides we're graduating na din naman" siguro aantayin ko na lang, ayokong i-risk ang license ni Ms. Dela Vega

"Sabagay mahirap na din, baka pareho pa kayo mapahamak kapag lumabas ito sa school" tumatangong sabi ni Celine na kina sang-ayon ng iba. Nandito kami sa isang cafe sa loob ng school. Malapit ito sa archi building. Nagccrave daw ng kape si Riley kaya dito kami pumunta. Medyo malayo layo ito sa building namin pero okay lang kasi wala pa naman kaming class.

Kapwa tahimik ang mga kasama ko dahil may ginagawa silang task while me, busy sa pagbabasa pero panaka nakang tumitingin sa phone. I'm waiting for her message. I miss her. Last night was unforgettable, we talked about lots of things. Mas nakilala ko sya, kagaya na lamang ng pagkahilig nya sa peanuts at sa kulay berde. Maliit na bagay para sa iba pero masaya ako at paunti onti ko syang nakikilala.

Isang sigaw mula sa labas ang bumugaw at nagpawala sa atensyon namin sa aming mga ginagawa. Isang lalaki ang tumatakbo sa labas na parang takot na takot. May tinuturo ito sa likod pero wala namang sumusunod sa kanya? Agad akong tumayo para lumabas, sumunod naman ang mga kaibigan ko sakin. Parang may mali.

Natumba ang lalaki sa sobrang bilis ng kanyang takbo. Nagtinginan kami ng mga kaibigan ko bago lumapit dito. Madami na din ang naagaw na atensyon nito na mga estudyante. Kapwa nagbubulungan kung bakit ba tila balisa ang lalaki.

My eyes grew bigger ng makita ang kamay nito na puro dugo. What the fuck? Rinig ko ang pagsinghap ng mga kaibigan ko.

"Oh gosh, it's blood!!" Erin shouted causing the other students to panic.

"Hey hey calm down" hinawakan ko ang lalaki sa balikat nya. He is shaking at puno ng takot ang mga mata nya. "Tell us what happened" mahinahon na sabi ko sa kanya.

"S-si Ms. Del-la Vega" nauutal nyang sambit habang tinuturo yung likod ng archi building

"Sino? Ms. Dela Vega?" Pag uulit ni Hans dito na ikinakunot ng noo ko. Si Blaire ba tinutukoy nya?

"O-oo, yung professor sa business management" pagkasabi nya nun ay agad ko syang hinawakan at hinila sa kwelyo.

"What do you mean? What happened to her?! " Nahihintakutan kong tanong sa kanya. What the eff. Kaya ba sya hindi pa nakakapag message sakin kasi may nangyari na sa kanya? Tangina wag naman sana pero puro dugo itong lalaking to. Does it mean? Oh gosh, no.

"Sa likod ng a-archi building, papunta sa may malapit sa restroom ng boys. P-pin ano--"

"Calm down!" I said to him. Jusko naman nagpapanic nadin tuloy ako.

"S-si Lorenz pina p-pina--"

"Direct to the point ano ba!" sigaw ko dito, bwisit di na lang ako deretsuhin diba.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now