Chapter XXXIII

3.5K 223 49
                                    

Danielle

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi padin ako umuuwi kahit natutulog naman na si Megan at iniwan ako dito.

Maybe because I want to make sure na makakauwi si Miss Dela Vega ng safe. Kanina nya pa iniinum yung alak ng sunod sunod. Paano pa sya makakapagdrive ng ganun?

Ayoko din naman na iwanan sya dito, baka kay kuya Nathan sya matulog. There's still a part of me na nagseselos kahit sinabi na nyang hindi sila. Ang close kasi nila masyado, nakakainggit lang.

"Taz tama nayan, kanina mo pa tinutungga yung alak jusko!" Pagsasaway ni Ate Luna sa kanya. Natatandaan ko na ulit ang mga pangalan ng kaibigan ni ma'am.

"May problema bayang bestfriend mo Nathan?" Pagtatamong ni ate Reese kay kuya

"Hindi yan nagsasabi kung may problema Reese. Kilala naman yata natin sya diba? We don't even know her that much" tumingin ako kay kuya Trevor dahil sa sinabi nya. What does he mean by they don't know Prof that much? 

"Madami lang talaga syang ginagawa. Busy, buti nga napapayag ko payan na pumunta dito"

They all just nodded at kuya Nathan at hindi na nagsalita pa. Nakatungo na din si Miss Dela Vega na mukhang suko na sa pag inom.

Tumayo ako at lumapit dito. Nagtataka naman akong tinignan ng lahat ng kasama namin sa table.

"Mukha pong lasing na si ma'am, ihahatid ko na po sya. Pwede?" Panghihingi ko ng pirmiso sa kanila.

Wala sa sariling tumango ang lahat including kuya Nathan. But Reese eyed me amusingly. Parang may alam sya sa nangyayari.

"Ingatan mo yan ha, sige ingat kayo" kumaway si Ate reese sakin. Tinulungan na akong ihatid si ma'am sa kotse ng makita nya akong nahihirapan kanina.

"Thank you ate Reese" Tumingin ako sa relo ko. It's already 11 pm na.

"Ma'am? Hey hindi kita mabubuhat hanggang unit mo." Tinapik tapik ko ang pisngi nya para magising.

Dumilat sya ng mata at biglang sumimangot ng makita ako. "I-i thought ayaw mo kong makita?"

Hindi ko sya sinagot at inalalayan ko syang tumayo. Medyo magalaw pa sya ng una dahil kinakausap nya ako pero hindi ko sya sinasagot. Hinahawakan nya tuloy ang mukha ko para maiharap sa kanya. Hirap na nga ako sa pagbalanse para di kami matumba pero ang kulit naman nya. Hays

"Wag kang makulit dyan kung ayaw mong ihulog kita" naiinis kong sabi dito. I heard her laugh at mahinang pinitik ang tenga ko. Hobby na nya siguro yun sakin.

"Whatever Halvershon"

Nang makarating kami sa unit nya ay agad ko syang inihiga sa kama. Thank God at hindi na sya masyadong gumalaw pa. Nakakangalay sa braso. Ang bigat nya kahit sexy. Pano sinasadya nya talagang magpabigat.

"Herajdnjse" huh ano daw?

"Miss Dela Vega matulog na kayo" inayos ko sa kanya ang kumot. Grabe ang lamig naman ng kwarto nya. Hindi ba sya giniginaw dito?

"Heradmmde" she's murmuring something pero diko naman maintindihan.

"Sleep now Blaire" hinahaplos haplos ko ang buhok nya para matulog na sya ng tuluyan. Ang kaso she open her eyes at bigla syang naupo. Napakamot ako ng ulo. "Miss Dela Vega" nawawalan kong pasensya na banggit sa pangalan nya. Ang kulit din talaga kapag lasing.

"Akala ko ba ayaw mokong makita. Bakit andito ka?"

Tinignan ko sya ng maigi. She's back to normal. Nawala na ba yung pagkalasing nya? Ang bilis naman ata.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now