Chapter XXXVI

3.5K 196 59
                                    

Danielle

"I'll leave you here Halverson"

Tumigil kami saglit sa paglalakad. Tumingin naman ako kay ma'am. "Bakit? Kala ko sasama ka kahit saglit lang. Ayaw mo ba?"

"May pupuntahan pala ako" sagot nya habang nakatingin sa phone nya. Mukhang may nagtext sa kanya dahil bigla syang nabahala. Ewan, parang nagbago na naman yung mood nya.

"Gusto mo ihatid kita?"

"No, I have my car. You should go to your friends and watch the game."

"Okayy. Ingat ka Miss Dela Vega" ngumiti ako sa kanya at kumaway. Tumango lamang sya at naglakad na paalis.

Napahinga ako ng malalim. Sino kaya yung nagtxt sa kanya at ganun na lamang yung itsura nya ng matanggap ito. I hope one of these days, malaman ko kung ano ang pinoproblema nya ngayon.

"Dan, andito kami!"

Napatingin ako sa babaeng sumigaw. It's Celine kasama na nya yung tatlo. Mukhang tapos na yung game.

"Where did you go Dan? Ang daya mo ha!" Lumapit sakin si Hans at mahina akong pinalo sa braso.

"Sorry, anyway where do you want to eat? Treat ko" well pangbawi na lang kay Hans saka panalo sila. Celebration nadin.

"Sure ka na ba dyan? Dun tayo sa eat all you can" si Riley na halos pumuso na ang mga mata. Tssk basta talaga pagkain.

"Sure sure, anywhere y'all want"

On the way sa mall, napagpasyahan ng mga kaibigan ko na sa mall na malapit na lang kumain. Hiwa hiwalay nga lang kami ng sasakyan dahil dala namin yung mga kotse namin. Pero si Riley ay nasa akin sumama dahil nakisabay lang daw sya kaninang umaga kay Hans. Yun nga lang ay kasama ni Hans yung chix nya nung welcome party kaya sakin nakisabay si Riley.

"Dan can I ask?"

I looked at my rear view mirror and nodded. "Go lang"

"What's the score between you and Professor Dela Vega?"

"Uhm student and teacher relationship?" Patanong kong sagot sa kanya na tinawanan nya lang.

"You know what I mean Dan, you like her right? And I think she like you too"

Nagtataka akong lumingon sa kanya. "Don't make my hopes up Riley" yes, we kissed...she kissed me twice pero hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman nya. She's too hard to read, she's too hard to reach. Parang hindi ko sya masabayan. Kahit anong gawin ko parang hindi nya ako kayang magustuhan. She's the epitome of coldness.

"No, napansin ko lang. Remember the time nung kumanta ka while looking at her? Her eyes were sparkling and you made her smile. That's the first time she smiled Dan. Hindi mo ba napapansin? Iba yung aura nya kapag kasama ka."

"Riley maybe she's just happy that time?" I don't really want my hopes up kahit na minsan ramdam ko din na may pag asa. Pero parang ang hirap umasa sa taong kagaya nya.

"You're unbelievable. If I were you I'll make a move. She's one of a heck goddess Dan" sabi nya habang nakangiting nakatingin sa harap. Pssh

"If I know crush mo si ma'am"

"Who wouldn't? But don't worry crush lang naman. I won't steal your girl duh."

My girl

Felt amazing to be true right. Pero parang imposible. I want her to be my girl but how. "She's too good to be mine Riley" nakakalungkot pero yeah, dun tayo sa reality. I'm happy na atleast nakakasama ko sya kahit yun lang I'm contented.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now