Chapter XLIV

5.2K 247 66
                                    

Danielle

"Deejeyy nasa baba kina kuya Hans. Kanina kapa nagkukulong sa kwarto, lumabas ka naman nga!"

Nakapamewang yung asungot kong kapatid sa harap ko ngayon. Tsk busy ako sa pagbabasa, tapos lakas makaistorbo. Ano yung sinabi nya ulit, nandito kina Hans? Ano na naman ba ang mga ginagawa ng kaibigan ko dito?

"Ano daw ang kailangan nila?" Alas kwatro na ng hapon. Don't tell me gagala sila at sinusundo ako? Gosh, Wala pa naman ako sa mood ngayon. Yung prof kasing yun, dakilang paasa.

"Aba ewan ko, tanong mo sa kanila"

"Galing mo din sa mga sagutan e no?"

"Mana lang sayo" mataray nyang sagot at inikutan pako ng mata. Bwisit talaga. Sarap itapon sa ilog.

Wala nakong nagawa kundi bumangon, alam ko na mag aaya lang sila ng gala. Okay lang din naman para makapag relax at di ko sya maiisip. May pa see you pa syang nalalaman tapos nalaman ko na lang umalis na sya ng school? Kahit nga sa condo nya wala sya. San bayun nagsususot na professor nayun.

Anyway nag bihis nako ng panglabas, san na naman kaya ang balak nila. Pag gantong oras sila nagyayaya, tagaytay ang punta namin e. Roadtrip malala. Okay nadin yun kesa naman pumunta kami sa bgc, pareho lang naman ang oras dahil sa traffic doon. Tapos maghahanap lang silang kalandian jusko.

"Finally Dan, sabi ng kapatid mo kanina ka padaw hindi lumalabas?" nakataas na kilay na tanong ni Riley.

"Tinatapos ko kasi yung book na binabasa ko" well totoo naman, ang ganda kasi.

"Weh? Tologo ba? " Whatever Erin.

"San ba tayo pupunta? Di nyo man lang ako ininform"

"Hello sis? Para di ka na makaangal. Puro ka nalang kaya palusot" sabi ni Erin

"Pero kapag si Prof mag aaya for sure oo agad yan. Nakakasakit ka na ng damdamin prend ha"

Panong di aangal sa kanila kung puro alak at lalaki hanap nila? Di ba sila nagsasawa sa bar?

"Ewan ko sainyo, so asan nga tayo?"

"Intramuros girl!!"

What? Tama ba rinig ko?

"At kailan pa kayo nahilig sa ganyang mga puntahan?" 

"Nakita ko kasi sa twitter, ang ganda pala dun. Dalhin mo yung mo camera ha?" Bgc lang kasi alam Riley.

"Maganda daw dun magdate, dalhin mo dun yung prof mo mga minsan" I rolled my eyes at Erin. As if papayag yun na makipag date sakin.

"Diba lagi kang pumupunta dun Dan?" Tanong ni Hans, isa din to. Bar lang ang alam.

"Oo, at pinaparamdam sakin ng intra na single ako" pano from left to right puro couples makikita mo. Gusto ko lang naman kumuha ng mga litrato pero nauumay lang ako sa mga nakikita ko. The fucc!

"It's okay, totoo naman kasi" k Hans.

"Whatever, kunin ko na nga muna yung camera"

Namiss ko din pumunta sa intra, last kong pagpunta dun nung 6 months ago ata. I always go there alone. Well isang beses kasama ko yung kaibigan ko din, pero mostly ako lang talaga.

Habang kinukuha ko yung camera sa kwarto bigla kong naramdaman ang pavibrate nung phone ko.

Tazannah DelaVega

Hey?

Totoo ba to? Hell, okay chill Dan -- hayaan mo lang. Wag kang marupok. Please kahit ngayon lang ipakita mo sa kanya na di ka excited sa message nya. Kaya ka pinapaasa e. Geez


Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now