Chapter VIII

3.7K 193 10
                                    

Danielle

"Wake up Deejeey, breakfasts ready"

I tried opening my eyes as I heard a familiar voice. Bumungad sakin ang kapatid kong nakapamewang sa harap ko.

"Thank God you're awake, kanina ka pa namin inaantay sa baba. Come on get up woman" Hindi pa sya nakuntento sa panggigising nya at talagang inalog alog pa nya ako. What the fudge

"Get out Harper, stop running my day!"

"I'm not, you're the one who's ruining our day. Go and brush your teeth. You stink eww"

Babatuhin ko na sana sya ng unan kaso bigla itong nagtatatakbo at mabilis na lumabas. Minsan okay na talaga walang kapatid e.

I lazily got up at tinignan ang orasan. It's 7:00 am already. Thank God it's Sunday, I don't have school at malaya akong makakatulog ng maghapon mamaya.

I tried smelling myself, hindi naman ako mabaho. Pinagloloko lang talaga ako ng babaeng yun. Kaamoy ko pa nga si-- wait why do I smell like her? Holy, teka I remember after we ate last night dahil sa antok nakatulog ako sa kotse nya. Hindi ko na maalala kung ano pang mga nangyari after that.

Shit, sinong nagbuhat sakin dito sa kwarto? Imposibleng yung kapatid ko. Lalo na ding imposibleng si Miss Dela Vega, yun pa ba. Hmm baka si kuya Ali, pero ang alam ko umuwi ito sa kanila kahapon. Uggh anyways I should thank her for bringing me home. Immessage ko na lang sya mamaya.

"Mabuti naman at naisipan mo ng bumababa. Kanina pa kami naghihintay dito" nakauwi na pala sina Dad. Baka sya talaga yung nagbuhat sakin.

"Goodmorning mom, dad" I kissed their cheeks at umupo na sa usual naming pwesto tuwing kumakain. Inirapan ko naman si Harper na nang aasar na nakatingin sakin. Mabait lang talaga sya sakin kapag may kailangan tss.

"Hangover?" Asked by my sister offering me her coffee. I just rolled my eyes again. She knows I don't like coffee.

"Pwede ba Harper wag ngayon" I'm still sleepy at hindi nakakadagdag ang pang aasar nya "And I didn't drink last night" pahabol ko pa.

"How's party love?" Tanong ni mom sakin, she's sweet aren't she. Kaya hindi ko alam kung bakit hindi namin namana yan ng kapatid ko.

"It's okay Mom, boring" tumawa naman yung tatlo sa sagot ko. Alam nilang hindi ako mahilig sa mga party nayan.

"Bakit ka nga pala nagpahatid sa prof mo anak? Bat hindi ka nagdala ng kotse?"

Napatigil naman ako sa pagkain dahil sa tanong ni Dad. So nakita talaga nya inihatid ako ni Miss Dela Vega.

" Sinundo po ako ni Riley kaya hindi ako nakapagdala ng kotse and uhm si Miss Dela Vega po kasi yung nakaassign na prof sa club ko and nagdodocumentary kami kagabi when she offered help to drive me home"

"She seems nice huh, ang bata nya din to be a professor. I heard from Nathan she graduated summa cum laude" feel ko lang, parang amaze sila kay Miss Dela Vega. Well wouldn't, nasa kanya na lahat maliban sa pag uugali. Well doon lang ata sya babagsak.

"She's really nice Mom" taka naman akong napatingin kay Harper. She's smiling at me, yung tipong ngiting may pinaparating.

"You know her too love?"

"Nakausap ko sya kagabi, sinabi nyang kasama daw nya si Deejay kaya wag daw ako mag alala"

Oh yeah, pinasabi ko nga pala na i'message nya tong kapatid ko

"Well then, invite her later so we can personally thank her" halos mabilaukan naman ako sa sinabi ni Dad.

Agad kong kinuha yung tubig sa harap ko. Geez dad, you could have killed me. No ways I would invite her. Nakakahiya kaya, tsaka as if naman papayag yun.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now