Chapter VII

3.8K 186 8
                                    

Danielle

Hindi ko alam kung anong sumapi sakin dahil basta ko na lang hinawakan ang braso ni Miss Dela Vega at pinihit sya paharap bago pa sya makalabas ng restroom. Maybe because she called me ugly? Yeah that's it. She's the only person who dares to called me like that. Bulag ba sya or inis lang talaga sakin?

"Pardon ma'am?" I coldly said to her. She looked annoyed and so am I.

Hindi ko padin binibitawan yung braso nya kahit tina'try nyang alisin. Akala nya ba papayag ako sa pagsusungit nya sakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya? No way. How dare she.

"What are you doing Halverson, get off me!"

"You called me ugly ma'am" I feel like naapakan yung ego ko dahil sa sinabi nya. Panget ba talaga ako ngayon? I honestly thought I looked extra pretty today kasi naghanda ako.

"What about that?" Palamigan ba kami ng boses dito? The hell

I stared at her at mas lumapit pa sa kanya. Hindi ko talaga sya mabasa kahit gaano ko pa sya titigan. Mas nararamdaman ko na ngayon ang tibok ng puso. Geez feeling ko anytime lalabas na ito. Pano ba naman feeling ko yung mga tingin nya papatay na  dahil sa kakalapit ko.

"Am I really ugly to you?" I don't know how I sounds like pero uggh naiinis talaga ako. Kahit ang babaw pa. Of all the people, sya pa talaga.

"Are you seriously asking me that? You know, I thought you're one of those people who don't give a fuck about others opinion." She's right. I'm one of those and it creeps the hell out of me that I'm reacting like this. May sapi na naman bako?

"Ma'am obvious naman po kasi na baliktad yung sinabi mo" mahinahon kong sabi dito. Ayokong mainis pa lalo. Baka sabihin hindi ko sya ginagalang bilang guro ko tss.

She only stared at me at sumandal sa wall. Naalis nadin nya pala yung braso nya sa pagkakahawak ko. Cross arms syang nakatingin sakin. Parang tinitignan nya ang buong pagkatao ko.

"Halverson stop arguing with me, and start taking photos outside. You still have your duties ongoing."

I rolled my eyes at lumapit ulit sa kanya. "Come with me then"

"And why would I do that?" Nakakunot noo nitong tanong. Wala na ba syang ibang expression maliban sa mga pa'ganun nya? Can she loosen up a little bit with me for once?

"Ma'am, naalala ko pong wala nga pala akong dala na phone at wala din akong camera. Maybe I can use yours instead?"

"Use your friends phone then" umayos na sya ng tayo at akmang lalabas na nang i'lock ko ang pinto. She can't leave me like that.

Her deadly stare bores at me. If looks could kill, baka nakahandusay nako dito. "Bakit hindi pwede sayo, when you're the professor na nilagay sa club namin?"

Muntik nakong mapangiti ng huminga ito ng malalim at tumango. Pinipigilan nya atang makipag sagutan pa sa akin. Huh you thought you could win this time? Nah, I won't allow that ma'am. 

"I'll come with you and you can use my phone but don't talk to me"

--

It's almost 2 am, at mas lalong naging wild ang mga estudyante dito. And I can smell the alcohol all over the place. May mga nakahandusay na din sa ibaba sa sobrang kalasingan, may nagsusuka at may mga ibang nakatulog na.

Mga wala ba silang balak magsiuwi na? Yung mga kaibigan ko pinahatid ko na kay kuya Ali. Paano ba naman kanina kapag balik ko pagkatapos kong kumuha ng mga pictures, halos halikan na nila yung floor sa dami ng alak na nainom. Walang mga kontrol basta alak.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now