Chapter IX

3.6K 176 18
                                    

Danielle

Tanging ingay lang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig ko. Nasa oras kami ng pagkain ni Miss Halverson. Hindi ko alam kung paano bubuksan ang usapan para naman hindi awkward.

Hindi kasi umuwi sina Mom and Dad, habang ang walanghiyang kapatid ko akala ko may bibilhin lang daw, yun pala makikitulog dun sa kaklase nya. Ni hindi man lang nagpaalam sakin. Makikita nun bukas.

Pasulyap sulyap ako sa kanya para tignan kung okay ba sya o ano. Nahiya ako bigla after ko sabihin na ang ganda nya. Paano hindi nya man lang ako sinagot kahit thank you man lang sa pagappreciate ko ng beauty nya tss. Buti nga marunong ako makakita ng ganda,  samantalng sya sinabihan ako ng panget. Napakasama!

"Halverson kung may sasabihin ka sabihin mo na" sungit. Alam nya palang kanina ko pa sya tinitignan tignan, kahit na nakatingin lang sya sa pagkain. Grabe kahit ang pagkain nya at ang pagsubo pati nadin ang pagnguya ang classy. Hindi makabasag pinggan ang bawat galaw nya.

"Ma'am, bakit pumunta ka dito?"

"Don't ask me twice"

Napakamot na lang ako ng ulo. "May kapatid ka Miss Dela Vega?" 

"Eat first Halverson" bat ba ang sungit nya sakin? O ganun lang talaga sya? Hindi ko sya magets, tinatawag nga ako ng iba na cold daw pero atleast I know how to properly talk to someone. Hindi yung puro pagtataray lang ang sinasagot.

Kung ayaw nya makipag usap edi wag. Jusko sino ba naman sya para pagpilitan sarili ko. Tinapos ko na lang ang pagkain at tahimik na hinihintay din sya matapos.

"Uuwi ka na po ba?"

She's sitting beside me dito sa living room habang nakatingin sa phone nya. Kausap na naman siguro boyfriend nya.

"Later at 10" she answered while still typing. Sino ba kasi yang kausap nya.

"Bakit mamaya pa. You want me to drive you home?" I offered pero umiling lang ito. Gusto ko lang naman tumulong psh.

"May sundo ako"  ahh okay

"Ma'am okay lang po ba kung iwan kita dito?" I mean magbabasa na lang ako sa kwarto ko. Tinatamad nako mag entertain ng bisita. Kay mom and dad naman kasi talaga sya na bisita hindi akin. Napaka wrong timing talaga ng mag asawang yun.

"Ma'am?"

"Hoy"

Nang hawakan ko sya sa balikat nya saka nya lang ako pinansin. Bingi ba sya? My God

"What are you doing Halverson?!" Inirapan ko sya at tumayo na. Bahala sya dyan, napaka bingi at walang pakiramdam.

"Punta na po akong kwarto Miss Dela Vega, antayin nyo na lang po yung sundo nyo dito"

Iniwan ko na sya sa baba. At nagsimulang malunod at pumunta sa ibang mundo. Mundo ng aking imahinasyon. Reading has been my comfort zone since day one. Mabuti na lang at naimbento ang mga libro. Pano na lang ang mga kagaya naming pagbabasa lamang ang nagpapasaya. Pano na lang kung wala ito.

--

"Dannn I miss youu" Erin hugged me ng makalapit ako sa kanila. Ang clingy talaga ng babaeng to.

"Ang aga nyo ah" pansin ko dahil lahat sila andito na. Minsan kasi ako yung laging maaga at sila yung laging nahuhuli. Madalas late pa sa kanilang first subject.

"Maaga lang akong nagising" si Riley na humihikab pa.

"Me too" si Hans naman na nakatungo sa lamesa.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now