Chapter XLVI

2.8K 171 24
                                    

HELLOO LONG TIME NO UPDATE HAHAHAHAHAHA. Sorry, was busy with private matter kaya walang update for months. But here you go.
_____

Danielle

Mainit ang ulo na pumasok ako ng classroom. Kaurat, gumising akong nakita sya loob ng office ni ma'am. Nag uusap sila at dahil sa mukhang seryoso yung pinag uusapan ng dalawa, hindi na ata ako napansin ni Miss Dela Vega na umalis. I'm pertaining to that Trish by the way. Halata naman na inlababo yung isa sa kanya hays. Andami ko naman kaagaw kay ma'am. Hindi ba pwedeng ako lang magkagusto sa kanya? Kaso imposible kasi ang perfect nyang tao. Lecheng pag ibig, nakakabaliw. This jealousy is eating me up. The fuck!

"Geez Dan, salubong na naman kilay mo" tinampal ko yung kamay ni Erin na hahawakan sana yung mukha ko at sinamaan sya ng tingin

"Wag mo'kong pakialaman ngayon Erin"

"Ouch ha, chill girl. Bakit ba ang init na naman ng ulo mo?"

"Stop being too nosy Erin, hayaan mo muna at baka sumabog yan ngayon"  bulong ni Celine sa kanya sapat na para marinig ko din. Nagkibit balikat na lang si Erin at nag peace sign sakin bago umupo.

Natapos ang klase na lumilipad yung utak ko. Iniisip ko kung anong ginagawa nila. Iniisip ko din kung bakit hindi nagkagusto si ma'am dun sa Trish? She's actually pretty. Well straight talaga si ma'am gaya ng sinabi nya dati. Maybe she's telling the truth when she said na she's never been attracted to a girl until me. Dapat na bakong kiligin?

"Kanina salubong yung kilay mo, ngayon ngumingiti ka bigla? Dani nakakatakoy na yan ha"

Here goes Erin again. Can she shut her mouth for like a day atleast. Andami nya lagi napapansin.

"She's just inlove Erin, let her" andito na din tong mga kupal. Minsan masarap talaga mag isa kung ganito mga kaibigan mo. Dumalo na si Hans and Riley samin dito sa mesa.

"Hey Dan, how are you and your miss oh so gorgeous professor?" tumataas yung kilay ni Riley, sign na excited sya malaman yung score namin ni Miss Dela Vega. Hays hindi ako sanay na nah-hot seat ng mga kaibigan ko lalo na sa gantong usapan.

"We're fine"

"Kayo na ba?" Hans asked kaya umiling ako

"Damn Danielle Jade, ang bagal mo ha. Pano na lang kapag naunahan ka?" Seryoso akong tumingin kay Erin. I don't know what to answer. Kasi sa dami ng nangyayari hindi ko muna iniisip how to ask her out properly. Madami pakong gustong ayusin na gulo bago yun para walang problema. Lalo na yung engagement na pinipilit ni lolo.

Pano ko ba matatakasan yun? Matatakasan ko pa ba? Pero I'm glad na Hades and I were on the same side. Mukhang ayaw nya din ata sa set up.

I was about to answer Erin ng biglang magvibrate yung phone ko. My face immediately light up ng makita ang pangalan ni Miss Dela Vega.

Tazannah Dela Vega

Meet me at the parking lot later. 5 pm sharp. Don't be late, Halverson.

I don't why but I found myself smiling from ear to ear. Pero agad ko din inalis para di mapansin ng mga kaibigan ko. Mahirap na at aasarin na naman nila ako for sure. But the important the thing right now is, magkikita kami later! I can't fucking wait.

Maghapon kong ginugul yung sarili ko sa pagbabasa para di ko mapansin yung oras. Wala na kasi akong class kaya mahirap mag antay. Ang tagal pa naman kapag excited ka at nag-aantay.

Around 4:30 naglalakad nako papuntang parking lot ng school. Tumitingin tingin muna ako sa kaliwa at kanan at baka may makakita sakin na kaibigan ko, edi madami na naman silang tanong kapag nakita nila kami. Hinanap ko agad yung kotse nya at ng makita ko ito ay mabilis akong pumunta dun. I was shocked when she was there already. Ang aga ha? Excited din ba sya? Char.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now