Chapter XXX

3.6K 211 58
                                    

Sorry it was late. Madami lang akong ginawa ngayon. And my head is killing me too. But here it goes. Sana magustuhan nyo.

Ps. Not sure if there's another chapter tonight.

________________

Danielle

Ilang minuto na ata ako dito kotse nagdadasal para sa buhay ko. Nandito ako sa tapat ng mansion ng Lolo, nagdadalawang isip kung tutuloy paba ako. Parang gusto ko na lang umuwi dahil sa kaba. Ayoko syang makita ngayon, it's been a month nung huli kaming magkita. Bihira lang talaga pero hinding hindi ko nakakalimutan everytime.

Sya na ata ang pinakamasamang taong nakilala ko. Kaya nga tinakas ni Dad si Mommy dahil tutol ito sa kanila. Malaki yung suffering ng parents ko kay Lolo. Kaya hindi ko din sila masisisi kung bakit ayaw nilang makita ito. As for me, he's still my grandfather at wala akong magagawa dun. Ako nga lang ang naglalakas loob na makipagkita sa matandang yun.

Ever since na makita nya ako sa highschool, lagi na nya ako pinapatawag sa bahay nya. Dati hindi alam ng parents ko na nakikipagkita ako kay Lolo pero ngayon alam na nila. Hindi naman nila ako nababawalan dahil alam nilang matigas ulo ko. Wala naman akong sama ng loob sa kanya ang kaso lang ay takot ako minsan sa pinangagawa nya.

My grandpa wasn't actually a bad person before, sabi ni Mommy dahil daw sa isang kaibigan nya kaya naging ganto ito. Hindi ko alam ang buong story pero niloko daw nito si lolo. Kaya simula nun may malaking trust issue na sya. Kaya pati si Dad, iniisip nya na gagawan nya ng masama si Mommy.

Pati ako, lagi nya akong sinasabihan na umiwas sa kaibigan at wag masyadong magtiwala. Simula nung magtagpo yung landas namin ni Lolo, kapag nandito ako sa bahay nya kung ano ano na lang ang itinuturo nya sakin.

He's manipulating me na aware naman ako. Of course hindi naman ako tanga para sumunod sa kanya. Nakikisabay lang ako sa pinangagawa nya. Before, tinuruan nya ako magpabagsak ng isang business. I once did it, and sobrang naguilty ako sa ginawa kong yun. Hanggang ngayon pinipilit nya padin akong tulungan sya, pero nah. Sabi ko gagadraduate muna ako before doing it again.

"Miss Danielle andito na po si Don Jacinto"

Agad akong napatayo sa sinabi nung maid. I saw an old man with his creptic smile. My grandpa.

"Goodevening Lolo" kinakabahan kong bati sa kanya at yumakap dito.

"Magandang gabi paborito kong apo"

Umupo kami sa mesa kung saan madaming nakahandang pagkain. Pinipilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ang pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

"Kamusta ka H--elle"

Napakagat labi ako. Muntik na nya akong tawagin sa ibang pangalan . Alam nyang ayoko nun. Yun lang ata ang sinunuod nya sakin, ang pakiusap kong wag akong tawagin sa pangalan nayun.

"I'm fine Lolo. Just busy with school and stuff. Graduating na po kasi"

"Oh that's great. Napagpasyahan mo na ba yung alok ko na sakin ka magttrabaho?"

Napabuga ako ng hangin. He's been asking me ever since I took business, na sa kanya na lang daw ako magtrabaho. Pero I keep on declining him dahil nga may business naman si Dad na kailangan kong tulungan. I cant help him at lalong hindi ko hahayaan ang sarili kong magaya sa kanya.

"Lolo you know I'm taking Dad's company right? "

"Apo andyan naman si Harper "

I secretly rolled my eyes. Kaya nga ako nagpaubaya sa pangarap ko para masunod lang ang pangarap ng kapatid ko.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now