Chapter XLV

5.8K 248 68
                                    

Danielle

"Deejeyy andyan si Lolo sa baba"

"Huh?"

"Sabi ko andyan si Lolo sa baba. Bingi lang?"

Bigla akong napatulala sa harap ng kapatid ko at pinaprocess ang mga sinasabi nya. Ilang minuto ata akong nakatulala hanggang sa hindi ko namalayan at nakaalis na pala sya.

Naguguluhan at kinakabahan akong naglakad pababa. Madaming tanong sa isip ko ngayon, paano at bakit andito sya ngayon? Bakit kilala sya ni Harper? Pinakilala na ba sya nina daddy?

Ngunit kahit isang sagot man lang sa mga tanong na iyon ay walang sumasagi sa isip ko ngayon. Masyado na ba akong nag aalala at lutang kaya blanko na ngayon ang utak ko?

"Iha come here, Dad's been waiting for two hours" salubong ni mom sakin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Masama ang pakiramdam ko ngayon. May hindi magandang mangyayari.

Sa harap ko ay ang matandang sa sobrang amo ng mukha hindi mo aakalain na may masahol na ugali.

"Hello Lolo" pilit kong pinasigla ang boses ko at binigyan sya ng mabilis na yakap.

"My dear Elle, how are you?" Ayan na naman yung mga ngiti nya na nakakatakot. I really hate his smile, halatang peke at mapang manipula.

"I'm okay Lo, napadalaw ka po pala?"

I sat beside him habang si mom naman ay umalis. So bale kami nalang dalawa ang nasa sala. Tinitgnan ko lamang ang bawat galaw nya. He's smoking like his life depends on it.

"Elle you need to come with me, may kikitain tayo" Sabi nya habang nakatingin sa harap nya. Hindi nya ako tinitgnan kaya napataas kilay ko.

"Sino po Lolo?"

"My close friends, so go and get dressed"

"What do you mean get dressed? Okay naman po suot ko di naman pambahay?" pinipigilan kong hindi mainis dito. Ano na naman ba ang balak nya at san naman kami pupunta?

"Be presentable, we'll be meeting someone important"

When he said someone important, alam ko na kung sino ito. Patrimunio family, hades' family. He's really desperate na ipakasal ako alang alang lang sa partnership huh. Fuck this.

"Goodmorning po" pagbati ko sa mag asawang nasa harap ko. I looked at Hades then he smiled a little, tumango nalang din ako bilang sagot.

Habang wala pa yung food nag uusap usap yung tatlo. Until  bumukas yung usapan sa kasalan.

"Next month is the wedding and it's settled"

Parang bomba naman na sumabog ang sinabi ni Lolo. Yung puso ko biglang tumigil sa pagtibok, yung utak ko nablanko bigla at yung galit sa loob ko nagsisimula na naman kumalat. Hindi ko alam kung paano magrereact ngayon kaya minabuti kong manahimik na lamang habang nag uusap sila baka ano pa masabi ko at kawalan ako ng respeto sa hapag. Oh ghad, I really hate him!

Panaka naka kong tinitgnan si Hades at yung reaction nya sa sinabi ng Lolo pero mukhang alam na nya dahil wala man lang syang reaction. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay halatang parang natataranta sya at kanina pa bumubuntong hininga. Paano katabi ko sya kaya rinig na rinig ko. I was expecting a reaction from him pero parang problemado sya ngayon.

Naiinis ko syang sinipa sa ilalim ng lamesa, mabilis naman agad syang lumingon at naguguluhan itong napatingin sakin.

"Ehem, uhm can I excuse myself for awhile po? Comfort room lang ako" paalam ko sa kanila na kinatango naman nila agad. Before I could leave, nagsenyas ako kay Hades na sumunod sya.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now