Chapter XXII

3.6K 213 49
                                    

Danielle

Pumasok kami sa loob ng isang mamahaling clothing brand. Nagtataka naman akong sinusundan lang sya. Anong ginagawa namin dito?

Dere deretso lamang ito sa pagpasok at tumitingin sa mga nakadisplay na damit. Napakamot ako ng ulo habang tinitignan sya. Don't tell me magsshopping sya? It's already 2 pm at nagtext na ang kapatid ko na andun na daw sila sa bahay.

Kanina pa kami palibot libot dito sa loob ng mall. Hindi ko alam kung anong hinahanap nya sa bawat pinapasukan namin na boutique. Nakailang pasok na kami pero wala naman syang binibili.

"Ma'am ano na bibilhin mo? Kanina pa tayo naglalakad kung saan saan" reklamo ko dito. I just really hate walking at nagsasayang lang ng oras tapos wala namang napapala.

"Don't you see what I'm wearing right now Halverson? Masyadong formal para sa mini party nyo" nakataas na kilay na sabi nya.

Yun lang pala yung problema nya? Tapos nakailang store na kami, wala padin syang mahanap jusko. Ang pili naman nya sa damit.

Kanina ko lang sya ininvite sa kotse. Medyo nagulat panga ako ng agad syang pumayag. Hindi ko yun expected, akala ko hihindi na naman sya sa alok ko.

Hindi naman ata magtataka ang mga kaibigan ko na kasama sya. Saka I don't care whatever they will think or ask as long as they won't confront me infront of her.

Ilang minuto pa ang hinantay ko sa kanya bago sya nakakuha ng gusto nyang dami. Atlast nakahanap din!

Pagkatapos namin lumabas ng store ay agad na kaming pumunta sa bilihan ng mga pagkain at inumin na kakailanganin namin mamaya.

Nangunguna sya sa paglalakad kaya di ko maiwasan na tignan sya. Ngayon ko lang narealize na pag wala yung heels nya mas matangkad pa din sya sakin. I thought magkasing height lang kami. Unfair!

She's walking gracefully kaya nakakahatak sya ng mga tingin sa bawat dadaanan nya. Aside from her height, her face and her eyes can easily capture everyone. Dagdag payung aura nya na maiilang ka na lang lumapit sa kanya. She has this kind of authority na mga tingin nya palang ay mapapasunod kana. Nakakaintimidate!

Una naming pinuntahan yung chips section. Kung ano ano ang kinuha ko dito, sya yung tagahila ng shopping cart samantalang ako naman yung tagalagay.

"Really Halverson? Lahat unhealthy foods!" Reklamo nya sa mga nilalagay kong chips.

"Ma'am alangan gulay kunin ko e chips section to?"

"May healthy chips din naman, can't you see. Like this?" Pinakita nya yung parang kulay green yung laman. Mga vegie chips ito.

Napakamot nalang ulit ako ng ulo nang maglagay sya nun ng madami. Hindi naman yun masarap tss. Pero wala din naman akong nagawa dahil tinulak nanya ito papunta sa mga inumin. Dahil mga alcoholic yung mga kaibigan ko, naglagay nadin kami ng mga alak.

"Miss Dela Vega teka lang po" I called her ng mapadaan kami sa mga gummy bears.

Tumigil naman sya kaya itinuro ko yung mga gummy bears. Tinaasan nya lang ako ng kilay at bumuntong hininga.

"Ang hilig mo sa matatamis" naiiling nyang sabi pero sya din naman kumuha at naglagay sa cart. Napangiti nalang tuloy ako ng palihim.

"I do but I dont eat chocolates. Allergic ako" ang sad lang kasi mahilig ako sa matamis pero kahit anong chocolates bawal sakin.

"That so sad for someone who love sweets" komento nya habang nagdagdag ng gummy bears sa cart. Ang dami na tuloy though I'm not complaining.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now