Mr. Stranger 29:

605 27 2
                                    

Pagpapatuloy...

MANDY YU POV:)

"Alam mo may time na ang tino mong kausap. May time na isip bata ka saka may time na ang sungit-sungit mo tulad ngayon. Mas babae kapa nga sakin ngayon kung mag-sungit diyan. Tinutuyo ka din ba?" Sabi ko kay Ros nang sinasabayan ko siya sa paglakad.

Nandito kami sa Mall, naglalakad habang sinusundan siya. Sa Mall kasi naka-pwesto ang David Salon kaya nandito kami ngayon. Hindi ito umimik bagkus nanatiling naglakad lang ito na walang ingay.

"Nireregla ka ba o sadyang inaabutan ka lang ng kashungahan mo?" Napataas nang kilay na sabi ko pa sa kanya.

Di pa rin siya sumagot kaya sa inis ko nakaisip ako ng paraan. Bahala siya, pag ako talaga nainis, kung ano naisip ko gagawin ko talaga. Huminto ako sa paglalakad at bumwelo. Nang ready na ko, matulin na tumakbo ako at tumalon. Sumabit naman ako sa likod ni Ros at sinabunutan siya.

"Ouch! My hair!!!" Ani ni Ros.

"Ikaw..." Sabi ko at pinagsasabunot lang siya. Bahala na kung dami na nakakakita sa amin, wala akong paki."Ayaw ko sa lahat iniinis ako!" Inis na sabi ko sa kanya.

Pumaikot-ikot pa si Ros habang nakasabit pa rin ako sa likuran niya dahil nasasaktan na siya sa ginagawa ko. Halos pinagtitinginan na kami ng mga tao sa Mall. Ako tuwang-tuwa sa ginagawa ko kasi sanay na ko sa ganito.

"Ouch!" Sambit nito halos napa-tagalog na ito.

*/////

Nasa kotse na kaming dalawa. Nakaupo kami pareho sa backseat na may ngiti akong nakakaloko habang naka-cross arms habang si Ros ay gulo-gulo ang buhok at may yelo sa ulo. Di mo maintindihan ang mukha ni Ros na para bang nanakawan ito ng pagkain dahil sa nakasimangot ito.

Galit na tiningnan ako nito at nginitian ko lang siya ng nakaka-insulto. Nagpipigil nalang siya sa galit. Gusto man niya bumawi sakin pero pinili nalang niyang pabayaan nalang ako.

"Hmp!" Irap nito sakin.

Tumawa lang ako dahil nakabawi rin ako sa kanya. Buti nga yun sa kanya. Ngayon, alam na nya paano magsabunot ang isang Mandy Yu.

"Ma'am, nagtext si Sir Johnser." Sabi ng driver ko.

"Ano sabi, Manong?" Tanong ko habang naka-cross arms pa rin.

"Sabi po niya, 4:30 raw meeting kay Mr. K." Sagot ng driver ko.

Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 3:48 na ng hapon. Kailangan ko na ata mag-ready para mamaya.

"Okay." Turan ko bilang sagot dito. Binalingan ko si Ros."Ano nga gusto mo ipabili sakin? Ibibigay mo kanino nga yun? Your? Hmmm, Lady Lizabeth---"

"Lady Beth." Halatang galit pa rin na pag-correct nito. Pinaglalagyan pa rin niya ng yelo yung ulo niya kung saan masakit.

"Ow, okay. Lady Beth. So, what do you want to buy from Lady Beth?" Tanong ko dito. Nag-request kasi ito na bilhan ko raw siya pambili ng regalo kay Lady Beth. Syempre, pumayag naman ako kasi malakas siya sa akin. Ewan ko pero komportable ako sa kanya saka parang pagkakatiwalaan naman siya.

"I want T.V." Mabilis na baling nito sakin na may malapad na ngiti.

"T.V?"

Nakangiting tumango-tango na para bang bata na humihingi na bilhan siya ng bagay na gusto niya. Ang mata niyang kumikinang na nagpapahiwatig na pagbigyan siya sa kagustuhan niya.

Dahil sa mayaman ako siguro kailangan ko tulungan yung nangangailangan. Saka tutal, malakas nga siya sa akin. Kaibigan ko na din ituring siya.

Bumuntong-hininga muna ako bago sabihin ang final decision ko.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now