Mr. Stranger 30:

631 21 0
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Where are you going?" Tanong ni Ros na panay sunod sa akin habang nag-aayos na ako. Magdi-dinner raw kami ni Sir Johnser at susunduin raw niya ako dito.

"Someone invites me to dinner." Sagot ko habang naglalagay ng foundation sa mukha ko na niregalo naman sa akin ni Ros. Medyo kompleto na rin ako sa gamit pampaganda at pang-ayos.

"Who?" Malungkot na tanong nito at sinundan na naman ako nito para kumuha ng tissue na nakalagay sa damitan namin.

"Yung boss ko." Sagot ko nang bumalik ulit sa salamin. Siguro kahit saan ako pumunta ng sulok sa kwarto ko, sinusundan talaga niya ako.

"A guy?" Pagalit na tanong nito. Akala mo talaga batang nagtatampo sa akin ang kinikilos niya.

"Oo." Sagot ko habang nag-aapply na ako ng lipsticks sa labi. Pagkatapos ay bumaling ako sa kanya."Is it okay? Am I beautiful?" Nagpo-pose sa harapan niya na tanong ko. Naka-dress lang naman ako na tinernuhan ng sneakers na bigay ni Ros. Bagay na bagay ang combination ng damit ko at sapatos.

"No." Parang bata na sabi nito. Bakas sa mukha niya ang pagtatampo.

"Pangit?" Sinisiguradong tanong ko pa rin.

"UG-LY!" Sabi nito at padabog na lumabas ng kuwarto.

"Ros!" Tawag ko. Padabog na sinara naman nito ang pinto halos nagulat pa ako.

Halatang nagtatampo talaga siya sa akin dahil maiiwan ko siya dito. Ano pa ba magagawa ko? Alangan naman di sumulpot sa pinag-usapan namin ni Sir. Nakakahiya pa sa kanya kasi babayaran niya sakin itong araw na ito basta mag-dinner kaming dalawa. Sayang naman di ba kung tatanggihan.

"Ros, can I borrow you cp? Itetext ko lang si Sir." Pa-sigaw na sabi ko habang naglalagay na sa aking tainga ang hikaw na bili ko lang sa labas. Walang pera kaya doon muna sa local. Pero parang original naman ito, maganda naman.

Walang sagot akong natanggap kay Ros. Halatang nagtatampo talaga siya sa akin. Paano ko matetext o malalaman na padating na si Sir kung na kay Ros yung cp na bigay nito. Andoon rin yung contact number ni Sir Johnser at wala ako.

Bahala na nga!

THIRD PERSON POV:)

"Ros, can I borrow you cp? Itetext ko lang si Sir."

Narinig niyang sabi ni Elizabeth sa loob ng kwarto. Naka-pout na hindi niya ito pinansin bagkus padabog na naupo sa sofa at nanood nalang ng T.V.

Tumunog na lamang ang cp ni Ros na nakalagay sa kanyang bulsa at binasa ang isang mensahe.

SIR KONG MABAIT:

       Nasa labas ako ng apartment mo.

Napa-kunot noo naman si Ros. Dali-dali naman siyang tumingin sa labas ng bintana at nakita niyang may naka-park ngang kotseng itim sa harapan nila. Nanlilisik ang mata na nakatingin siya dito.

Dahil ayaw niyang may umagaw sa babaeng gusto niya ay nakaisip ng paraan si Ros.

Elizabeth:

       Sir, can I cancel?

Pagka-sent, napangiti na lang si Ros. Di nagtagal, nagreply kaagad ito.

SIR KONG MABAIT:

     Why? What happen?

Mas lalong napangiti ng nakakaloko si Ros. Magta-type sana ulit siya nang nagulat na lamang siya nang tumawag ito. Dahil sa taranta ay di niya alam anong gagawin. Walang magawa kaya sinagot ang tawag nito. Bago paman magsalita at tumikhim muna siya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now