Chapter 107:

260 16 5
                                    

MANDY YU POV:)

Mabibilis ang hakbang na naglalakad ako ngayon dito sa hallway. Hindi pa ako nakakarating sa office ni daddy, narinig ko na kaagad ang pag-aaway nila ni mama sa loob. Pagalit na binuksan ko kaagad ang pinto na naglikha iyon ng ingay para matigil ang dalawa sa pag-aaway.

"Mommy! Daddy! Stop!" sigaw ko. Padabog na lumapit ako sa kinaroroonan nila."Mahiya naman kayo! Abot ibang planeta na ang pag-aaway n'yo dahil sa lakas ng boses n'yo!" pagalit na suway ko sa dalawa.

"Paano kami magkakabati ng ama mo e mismong siya, pinagtatanggol ang babaeng iyon kaysa sa akin!" Galit na pahayag ni mama habang tinuturo si mama.

Tahimik lamang nakatingin si papa dito at base sa mukha nito, kalmado lamang ito pero deep inside naiinis na ito kay mama.

"Sinong babae?" Nangunot-noong tanong ko kay mama.

"Sino pa ba e di yung lumalandi sa fiancé mo, ang janitress!" Salubong na salubong ang kilay na saad ni mama.

Napasinghap naman ako sa nalaman. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy ni mama kundi walang iba si Beth. Base sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya ganoong klaseng babae. Napaka-inosente niya at napaka-conservative sa bawat galaw niya. At imposible ang mga binibintang ni mama.

Hinawakan ko ang braso nito at pinaharap sa akin."Mom, relax. Relax ka lang baka mahimatay ka na naman." Pagpapakalma ko dito.

Sunod-sunod naman ang paghugot nito ng hininga. Kino-kontrol na nito ang emosyon na nararamdaman. Hinawakan na lamang nito ang dibdib para pakalmahin ang sarili sa sobrang galit.

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at hinila para paupuin."Umupo ka muna, Mom, Dad."

Umupo naman ang mga ito pero hindi sila magkatabi. Sa kabilang sofa naupo si mama habang sa kabila naman si papa. Inirapan naman ni mama si papa nang magtama ang mga mata nila.

Umiiling-iling na napabuntong-hinga na lamang si papa sabay tingin sa ibang direksyon.

Naupo ako sa sofang pang-isahang. Sabay naman sila napatingin sa akin na tila ako ang maghahatol sa kanilang dalawa.

"Okay, ako na gagawa ng paraan para magkasundo kayo." Panimula ko. Tiningnan ko si papa na nakatingin naman sa akin."Dad, naiintindihan kita. Alam ko naman na napapagod kana sa ugali ni mama."

"Mas pangit nga ugali ng daddy mo---"

"Sshh!" suway ko dito.

Naitikom naman ni mama ang kanyang bibig. Walang nagawa, umirap na lamang siya at tumahimik.

Bumaling ulit ako kay papa."Dad, alam kong kilala mo si Beth kaya ganoon mo nalang siya protektahan." sabi ko dito."At ikaw naman, Mommy!---" Nakataas-kilay na tingin ko dito.

"Ano?" Tila nagtatampo na tanong nito at hindi makatingin ng deretsyo sa mga mata ko.

"Mom, kilala ko ang janitress na tinutukoy mo. Mommy, impossible ang mga binibintang mo sa kaibigan ko---" Naputol na lamang ang sinasabi ko.

"What? Kaibigan?! Tinuturing mong kaibigan ang hampas lupa na iyon---"

"Lorisette!" Galit na suway ni papa dito.

Salubong ang kilay na tiningnan ito ni mama."Ikaw, Leandro, akala mo ba nakakalimot ako sa ginawa mong panloloko sa amin ng anak ko! Bakit hindi mo aminin sa anak mo ang totoo! Ang totoo bakit nag-aaway tayo ah?!" Singhal nito.

"Mommy, alam ko na. Dahil sa ex ni daddy pero okay lang iyon sa akin." Sulpot ko sa mainit na tensyon sa kanila.

"Hindi lang iyon. Hindi lang iyon, anak! Meron pang isa na tinatago sa atin ng ama mo matagal na! Matagal nang nagkasala ang ama mo sa atin." Nangagalaiti na wika ni mama.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now