Mr. Stranger 68:

428 14 0
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkapasok ko sa locker room, naabutan ko naman ang ibang janitress na kanya-kanya hawak ng cp na tila may pinapanood. Nakita ko naman sa isang gilid si Rose habang nakasandig ito sa locker, may pinapanood rin siya sa cp.

Lumapit na nga ako sa locker ko at binuksan. Pansin ko pa rin na nag-uusap-usap ang iba na tila seryoso ang pinapanood nila. Pagkakuha ko ng wallet sa bag, sinarado ko na din kaagad ang locker ko sabay tawag kay Ros na salubong ang kilay habang seryosong nanonood.

"Psst! Rose," mahinang tawag ko dito.

Naiangat naman kaagad nito ang ulo. Nang makita ako nito, biglang umaliwalas ang mukha nito.

"Beth!" Nakangiting sambit nito sa pangalan ko. Inalis nito ang earphone sa isang tainga niya.

Lumapit naman ako dito."Ano pinapanood mo? Bakit napaka-seryoso naman ng mga tao sa cellphone nila?"

"Si Sir Sy, nagbibigay na ng statement tungkol doon sa kumakalat na post. Nagpa-presscon ngayon siya sa ibaba." Sagot nito.

"Ah? Kumakalat na post? Ano 'yon?" Napakunot-noo na lamang ako. May issue palang kinasasangkutan ng Uphone, bakit ngayon ko lang nalaman?

"Pakinggan mo," sabay bigay ng isang earphone sakin.

Mabilis ko naman iyon nilagay sa kabilang tainga ko.

"Wala pong nangyayaring kaguluhan ngayon sa Uphone. Inatake si Mama sa puso, iyon ang sabi ng doctor at iyon papaniwalaan namin. Respeto na lamang po sa yumaong anak ko. Hinahanap na namin ang taong nag-post iyon. Once again, stop spreading fakenews. Thank you." Sabi ni Mr. Sy sabay bow.

Umalis na ito na saka nagkagulo ang mga reporter.

"Anong post?" Tanong ko kay Rose sabay tanggal ng earphone.

****

Hila-hila ko ang cart na naglalaman ng mga kagamitan sa paglilinis. Maglilinis ngayon ako sa office ni Mr. Leandro, nakapag-paalam na ko kay Sir Johnser kaya okay na iyon sa kanya. Marami pa ring absent na janitress at janitor dahil madami pa ring tinatamaan ngayong trangkaso.

Hawak ko ang cellphone ko habang binabasa yung nagkalat na post raw tungkol sa Uphone. Di ko aakalain na kayang gawan ng fakenews ang Uphone. At marami namang mga tao ang naniwala.

Sabagay, sino di mapapaniwala doon e sinasabi ng nag-post, may sumadya na bungguin ang sinasakyan ng bunsong anak ni Mr. Sy at sinakal raw ang ina ni Mr. Sy ng taong pumatay rin sa anak niya. See? Akala mo mala-kdrama na pa-suspense at action.

Tinago ko na nga ang cp sa bulsa ko at nakita kong malapit na ko sa office ni Mr. Leandro. Di ko pa nahahawakan ang doorknob, bumukas na lamang iyon. Nakilala ko naman ang taong bumungad sa akin.

"Oh! I remember you," maarteng pagkakasabi sabay turo sa akin.

"G-good morning, Miss Mandy." Nautal na bati ko dito sabay yuko para magpakita ng paggalang dito. Kilala ko siya dahil anak siya ni Mr. Leandro.

"Anong kailangan mo? Ikaw ba maglilinis ngayon sa office ni Daddy?" Tanong nito sa akin halos nag-cross arms pa ito. Oo nga pala, hindi kami okay ni Miss Mandy. Di ko alam ano pinagmulan bakit ayaw niya sa akin.

"Opo." Magalang na sagot ko pa rin. Hindi ko hinayaang magtama ang mata naming dalawa. Baka kasi mag-maldita na naman ito at sabihan pa ko na wala akong galang.

Magsasalita pa sana ito nang biglang may nagsalita na lamang sa likuran ko.

"Kanina pa kita hinahanap, dito lang pala kita makikita." Sabi ng bagong dating.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now