Mr. Stranger 41:

474 18 2
                                    

Pagpapatuloy...

DYLAN LORENZO POV:)

Nakaupo ako sa isang upuan sa tabi ng hinihigaan ni Mama habang hawak ko ang kamay nito at mahimbing pa ring natutulog. Magda-dalawang oras na siyang tulog at dahil sa tinusok na gamot na pampatulog dito. Ito naman ginagawa pag inaabutan si mama, tinuturukan ng pampakalma at pampatulog.

Habang namamayani ang katahimikan sa kwarto, bumukas na lamang ang pinto. Ayaw ko lingunin para malaman kung sinong tao ang pumasok. Nanatili lamang akong nakatingin kay Mama na tulog pa rin.

"Kanina ka pa ba?" Agad ko naman nakilala ang nagsalita iyon.

"Oo." Malumbay na sagot ko at nanatiling nakatingin kay Mama.

Lumapit ito sa kinaroroonan ko. Pinagmasdan din nito si Mama pagkalapit sabay ayos ng kumot ni Mama. Mapupungay na mata na tumingin na rin ako sa wagas kay Papa. Bakas na rin sa mukha ni Papa ang katandahan, tumanda na siya dahil sa lungkot dahil sa sitwasyon ni Mama.

"Bakit hindi mo sakin sinabi kaagad nangyari kay Mama?" Nagtatampong sabi ko.

"Ayaw ko kasi mamroblema ka na naman." Sagot ni Papa na nakabaling lang kay mama.

Walang magawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Bumaling ulit ako kay mama sabay halik ng palad nito na hawak ko pa rin. Di ko rin masisisi si Papa kung bakit di niya sa akin sinabi kaagad. Iniisip rin niya ako at hindi lang si Mama.

"Wala na ba talagang pag-asa gumaling si Mama?" Naituran ko na lamang.

"Hindi ko alam pero sana nga gumaling na siya at bumalik na siya sa dati." Sagot lamang ni Papa sa akin.

Sana nga, gumaling na nga siya...

MANDY YU POV:)

Sino ba kasi ang babae ni Dylan? Lintik naman kasi! Kagabi pa ko walang tulog dahil sa kakaisip ng babae niya. Halos nilibot ko ang buong restaurant, wala akong nakitang Dylan. Feeling ko tuloy, pagkatapos nila kumain baka...

Hinahalikan ni Dylan ang leeg ng babae sabay tinulak pahiga sa kama. Parang uhaw na nakatingin lamang ang babae habang nakakagat labi. Dahan-dahan hinubad ni Dylan ang damit at tumambad ang solidong abs nito.

"Let's enjoy tonight baby." Nakakaakit na sabi ni Dylan na may nakakaakit rin na ngiti sabay patong sa babae.

Napailing-iling na lamang ako sa imagination na iyon. Halos naigusot ko ang ang ulo ko sabay sabunot ang buhok ko dahil sa imahinasyong iyon.

"Takte! Bakit sarili ko naiimagine ko na ako yung kaanuhan nya? Hayst!" Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa kakahiyang pinag-iimagination ko."Sino ba kasi ang babae nya!" Gigil kong sabi pa.

Pagbukas ko ng pinto, natigilan na lamang ako sa tangkang pagpasok. Nanlaki mata pa ako nang ma-realize ang lahat. Ano ginagawa ko sa office ni Dylan? Gagi!

Natigilan naman si Kuya Ramon sa pag-lagay ng coupon band sa printer. Gulat lamang na nakatingin ito sa akin.

"May kailangan kayo, Miss Mandy?" Tanong nito sa akin.

"Uhm." Naituran ko lamang.

Wah! Bakit dito ako pumunta? Shunga pa itong mga paa ko? Bakit dito pa ako dinala. Hayst!

Tarantang hinanap ko naman si Dylan. Walang Dylan nasa loob ng office. Asan na naman kaya iyon?

"S-si Dylan?" Tanong ko nalang. Ano naman iisipin kong rason? Kaya naman pumupunta ako dito dahil si Dylan payag ko wala nang iba.

"Umalis po." Sagot nito.

"Saan pumunta?" Tanong ko. Naglalakwatsya na naman ang unggoy na iyon. Tsk!

"Di ko po alam." Sagot lamang nito.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz