Mr. Stranger 39:

476 20 2
                                    

Pagpapatuloy...

THIRD PERSON POV:)

Nakangiting naglalakad si Ros patungo sa lugar na kung saan sila magkikita ni Elizabeth. Nang malapit na siya sa restaurant ay agad natanaw niya si Elizabeth at ang nilapitan nitong lalaki. Nang makita niya ang mukha ng lalaki, doon niya naalala na ito ang tumulong sa kanya ng mahimatay siya.

Napahawak na lamang si Ros sa kanyang ulo nang biglang nakarinig siya ng nakakabinging tunog. Napatigil siya sa paglalakad na dahilan naramdaman din niyang parang binibitak ang kanyang ulo halos napapikit siya sa sakit. May nakikita siyang tao at mga nag-uusap.

At doon bumalik ang alaala niya.

"That’s nice, isn’t it?" Sabi ni Ros nang makita niya ang taong nakatingin sa painting."I did that. Do you want that?" Sabi niya dito nang makalapit.

Nanatiling nakatingin pa rin ito sa painting na gawa niya.

"It's like you want to convey something in that painting," Turan nito habang sa painting lang atensyon nito. Tinitigan din niya ang painting."You were sad when you did that."

"Because my work is ugly," Natatawang sabi niya dito."Let's go! Let's play Ros." Yaya nito sa kanya at hinakbayan ito paalis.

"Okay, Boss. Ako po bahala." Narinig kong turan nito nang makita kong may kausap sa kabilang linya.

"Sino 'yon?" Tanong ni Ros habang humihikab. Kakagising lamang niya.

Mabilis na tinago nito ang cellphone sa bulsa nito at gulat na makita siya nito.

"Nothing." Cold na sabi nito. Umalis at iniwan siyang takang-taka.

Napatingin na lamang si Ros sa bintana at nakita na lamang niya ito. Dumaan ito sa bintana ng kanyang kuwarto. Walang ekspresyon sa mukha na lumapit ito sa kinaroroonan niya.

"What do you need?" Tanong niha dito nang bumaling ulit siya sa computer.

"I'm going to Philipines first." Pagpapaalam nito sa kanya.

"But why?" Tanong niya habang sa computer lang ang baling niya.

"My mother experiencing a heart attack." Kalmado ang boses na amin nito.

"Sure." Sagot niya habang nakatutok pa rin ito sa computer.

"Okay. See you tomorrow in Philippines, Clive."

"Excuse me? Hindi ito ang daan papuntang Uphone. May pupuntahan pa ba---"

Di na lamang niya napatuloy ang sasabihin nang may sumakal sa kanyang leeg. Nagpupumiglas siya nang nagulat na lamang siya nang may kutsilyong tumambad sa kanyang harapan. Nanlaki ang mga maya niya nang nakatutok ito sa kanyang leeg.

"Tumahimik ka baka tapusin ko ang buhay mo ngayon." Sabi ng misteryosong lalaking gumawa nito sa kanya.

Nakita naman niya sa salamin ang taong gumawa nito sa kanya. Hindi niya ito kilala at ngayon lamang niya ito nakita. Binalingan niya ng tingin ang driver at tahimik lamang ito sa pagmamaneho. Napagtanto niya na magkasabwat ang dalawang ito.

"Sino kayo? Ano kailangan nyo sa akin?" Matapang na tanong niya dito.

"Sorry. Napag-utusan lang."  Sabi ng lalaking may hawak ma kutsilyo. Nagulat na lamang siya nang isiko siya nito sa ulo na dahilan makatulog siya.

Nagising na lamang siya na nakagapos ang kanyang kamay at paa. Lumingon-lingon siya sa paligid at nasa kotse pa rin siya pero nasa ibang lugar sila ngayon na hindi pamilyar sa kanya. Puro puno at puro mga uling ang nadadaanan nila.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon