Mr. Stranger 24:

2K 84 47
                                    

Pagpapatuloy...

THIRD PERSON POV:)

"Yes! Panalo na naman." Diwang nila Anthony nang manalo ulit si Ros sa larong Rules of Survival.

"Boss, money nyo dyan." Sabi nila Jake at Jero nang kinukuha anng tinaya ng mga kalaban dahil talo ulit ito.

Nasa isang barangay sila Ros at dumayo sila para makipagpustahan sa larong Rules of Survival.

"Isa pa." Sabi ng kalaban na tila di papayag na matalo nalang sila basta-basta.

"Sige, sige." Sabi ni Jero at tumaya ito ng 200.

"Go, Ros. Win this." Sabi ni John habang minamasahe ang balikat niya.

"You hungry, Ros? I will buy food." Prisinta ni Anthony.

"Oreo and coke, Bossbrad." Request ni Ros.

"Okay." Sabi nito at lumabas ng computer shop para bumili.

Maya-maya natalo na naman ang kabila.

"Money nyo dyan! Money, money!" Si Jero at hinihingi yung pera dahil nanalo na naman si Ros.

Dahil sa sobrang pikon na ng kalaban, galit na napatayo sa pagkakaupo ang leader nila na siya ang naglalaro ng ROS.

"Nagdadaya kayo 'no?" Galit na sabi nito. Siga na lumapit ito kay Jake at Jero halos napaatras ang mga ito.

"Boss, di kami nagdadaya. Malinis kami maglaro." Halatang natatakot na sabi ni Jake dito.

Napatayo na rin si Ros dahil napansin niyang magkakaroon ng gulo.

"Malinis? Halatang nangdadaya kayo. May cheat kayo." Galit na saad nito at nagsilapit na ang mga kasama nito.

Napaatras lalo ang apat dahil malalaki ang mga ito at halatang pikon nga dahil palagi natatalo ni Ros.

"Boss, walang ganyanan. Kung nagchi-cheat kami, makikita nyo naman agad. Nakita mo naman na malinis kami maglaro. Walang pikunan." Sabi ni John sa mga dito.

"Ibig mong sabihin, kami yung nagchi-cheat?!" Mas lalong nagalit na turan nito.

Yung mga naglalaro din dito sa loob ng computer shop, napagilid dahil nakikita nilang magkakagulo na sila dito.

"H-hindi, Boss. H-hindi." Nanginginig sa takot na sabi ni Jake at John.

Dahil di takot si Ros, pumunta siya sa harapan halos pinagilid niya si Jake at John. Hinarap niya ang lalaki na walang bakas ng takot at kaba.

"Hey, Bro! Wazzup!" Sabi ni Ros dito.

Napataas-kilay naman ang lalaki sa tinuran ni Ros.

"Ano gagawin ni Ros?" Takang turan ng tatlo.

"Why are you mad? Why you guys don't accept defeat in a game? Just accept you loose, you look pity." Matapang na sabi ni Ros dito.

"Ano?!" Salubong na salubong na gilay utas ng leader.

"Lagot." Sambit ng tatlo.

"You look like a crazy dog with...rabies. Grrggh!" Nakangiting nakaka-insulto na sabi ni Ros halos parang nag-asong huning galit pa siya.

Doon na nataranta ang tatlo nang...

"Takbo!!!" Sigaw ni Jake.

Tumakbo naman silang apat palabas ng computer shop. Naabutan nila si Anthony na may dalang softfrinks at biscuit. Pabalik na sana ito sa computer shop nang...

"Bakit?" Takang tanong nito kila Ros.

"Bossbrad, takbo!" Sabi nila Jake at Jero dito.

Nakita naman ni Anthony na hinahabol sila ng nakalaban nila.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now