Chapter 114:

308 14 6
                                    

MANDY YU POV:)

"Dadalo ka ba?" Tanong ni Travis sa akin.

Kakatapos lang ng photoshoots nila ni Hailey at uwian na naming lahat ngayon. Naglalakad na ako palabas habang sinasabayan naman ako nito sa paglalakad.

"Saan?" Sa daan lamang ang tingin na saad ko.

"Sa party ng kapatid ni Mr. Kailes. Remember, endorser nila ako."

"Invited ka pala. Kita nalang tayo mamaya." Di pa rin ito tinatapunan na tingin na sabi ko.

Hindi na nga ako sinabayan sa paglalakad ni Travis. Pinagpatuloy ko pa rin paglalakad ko papunta sa kinaroroonan ng kotse ko. Nakasalubungan ko na lamang si Dylan halos nagtama ang aming mata. Hindi ko ito pinansin at sa daan ko ulit binalik ang tingin ko.

"Ikaw ang date ko mamaya ah?" Sigaw pa ni Travis.

Itinaas ko lamang ang kamay sabay nag-hand sign ng 'okay'.

Pasakay na sana ako ng kotse ko na may taong marahas na hinawakan na lamang ang kamay ko at hinila ako paharap dito. Nagulat na lamang ako nang makita ang taong may gawa niyon.

Salubong na salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

"May kailangan ka ba?" natural na tanong ko dito.

"Kayo ba ng lalaking iyon? Siya ba 'yong panay tawag at message sayo nung nasa bicol tayo?" puno ng awtoridad na tanong ni Dylan sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagtitimpi ng inis.

May sumira ba sa araw nito? Mukhang bad mood siya ngayon, halata sa mukha niya.

"Hindi kami at siya nga 'yong lalaking gumugulo sa buhay ko. Pero may gusto siya sa akin at nanliligaw siya sa akin." Malditang sagot ko.

"Bakit ka pa nagpapaligaw? Alam mo bang may fiancé kana?" Iritadong saad nito.

Tinaasan ko naman siya ng kilay."Ano ba paki mo?!" Supladang sabi ko."Ikaw nga e, inangkin mo ko tapos di mo naman papanagutan ako. Tsk!" Sa loob-loob kong sabi."Pwede mo na ba akong bitawan? Uuwi na ako at mag-aayos pa ko para mamaya. Sure akong susunduin ako kaagad ni Travis sa hotel. Siya kasi magiging partner ko para mamaya sa party." aniya.

Dahan-dahan naman nito binitawan ang kamay ko. Bago paman tumalikod, fli-nip ko pa ang buhok ko sa harapan niya at ngumiti ng pilya sa kanya para inisin ito. Malditang pumasok na ako sa loob ng kotse at umalis din kaagad.

Nakita ko pa sa side mirror si Dylan na nakatayo pa rin at sinundan ng tingin ang sinasakyan ko paalis.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Nagsabi ba talaga na susunduin tayo ng alas singko dito ng boss n'yo?" Di pa rin makapaniwala na tanong ni Aling Martha.

Nandito silang lahat sa loob ng apartment namin ni Pubg. Para na tuloy may kasiyahan dito dahil sa halo-halo na ng boses nila.

"Oo. Iyon sabi niya kay Beth. Di ba, Beth?" Sabay baling sa akin ni Anthony habang nakaupo sa sala at nanonood sila ng T.V ni Pubg, Jake at Jero. Si Jake naman ay nakasilip sa labas ng bintana para bantayan kung nandiyan na si sir Easton para sunduin nga kami.

Tumango ako maya-maya dito.

"Kung ganoon, bakit ang aga naman tayo pupunta doon? Di ba, sabi niya alas otso simula ng party?" Napataas-kilay na sabi ni Aling Martha.

Naka-ayos na kaming lahat. Simpleng dress lamang ang suot ko pati ni Aling Martha at naka-polo na stripes naman ang mga boys. Sa ayos nila Bossbrad, nagmumukha silang a-attend ng JS Prom sa school. Yung buhok nila na nilagyan ng gel para mag-style emo sila.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now