Chapter 96:

263 13 2
                                    

THIRD PERSON POV:)

"S-sige, boss." Sabi ng lalaki na nangangalang Tomas sa kausap nito sa cellphone.

Pagkababa nito, may ngiting demonyo na lumapit ito kay Ros na nakaluhod habang nakagapos ang kanyang mga kamay. Pagkalapit nito sa kinaroroonan niya, hindi niya inaasaham na kinuha nito ang baril sa likutan ng kanyang pantalon at itinutol sa noo niya.

Nanlaki mata na lamang siya sa ginawa nito.

Mabilis naman hinawakan ng kasama nito ang baril para pigilan sa binabalak nito.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito sa kasama.

"Ano pa nga ba? Papatayin na siya. Iyon ang utos sa'tin ni Boss." Nakangiti paring demonyon na sagot nito. Inalis nito ang kamay sa pagkakahawak sa baril at tinutok ulit ito sa kanya.

"Tomas, wag kang padalos-dalos. Hintayin na'tin si Sir Dyla---"

Di napatuloy ang sasabihin nito nang magsalita kaagad ito.

"Sandali nga!" Humarap si Tomas dito at tiningnan ng matalim sa mga mata nito."Kailan ka palang naging miyembro sa gang ni Boss?" Seryosong tanong nito.

"M-mag-iisang buwan lang---"

Humagalpak na lamang ito sa pagtawa."Kaya pala," natatawa pa ring turan nito."Ibig sabihin, ako ang boss sa ating dalawa. Kung ano sasabihin ko, susundin mo."

"P-pero---"

Nilagay na lamang ni Tomas ang baril sa kamay nito. Takang napatingin naman ito sa ginawa nito.

"Patayin mo siya," sabi ni Tomas. Magsasalita sana ito nang nilapit niya ang mukha sa tainga nito."Jerome, gawin mo na ang inuutos ko para tapos na ang trabaho natin. Gusto ko na umuwi ng maaga, gawin mo na ang pinapagawa ko." bulong niya dito.

Pagkahiwalay dito, nginitian niya ito ng nakakaloko. Hindi naman nakaimik ang nangangalang Jerome. Dahan-dahan pa nito tiningnan ang baril na hawak nito at tila naglalaro sa isip nito ang gumugulong magiging desisyon nito.

Naguguluhan pa ring dahan-dahan ito humarap kay Ros na nakaluhod sa lupa. Dahan-dahan ni Jerome itinutok ang baril dito halos manginig-nginig ang kanyang mga kamay.

"Patayin mo na! Bilisan mo!" Naiinip nang sigaw ni Tomas.

Mas lalong lumakas ang panginginig ng kamay nito na tila hindi magawang kalabitin ng kanyang kamay ang baril. Lumalabag sa kalooban niya na pumatay ng inosenteng tao.

"Ako na nga!" Galit na saad ni Tomas at kinuha nito ang baril sa kanya.

Babarilin na sana nito ang lalaki na mabilis niya itong napigilan. Tinulak niya si Tomas na dahilan napahiga ito sa lupa at tumilapon kahit saan ang baril.

Mabilis na pumatong si Jerome dito at pinagsusuntok.

"Tumakas kana!" Sigaw niya kay Ros habang pinipigilan niya si Tomas.

Panay suntukan lamang sila sa lupa halos gumulong-gulong sila.

Dali-dali naman pumunta si Ros sa may bato at kinuskos ang lubid na nakagapos sa kanyang kamay. Nang matagumpay na naputol ang lubid, tatakbo na lamang siya na marahas na sinuntok siya ni Tomas sa kanyang mukha, napahiga naman siya.

Nahihirapang tumayo ito sa pagkakaluhod at may ngiting nakakaloko na lumapit ito sa kinatoroonan ni Ros halos pinunasan pa nito ang gilid ng bibig na may dugo.

"Akala mo makakatakas ka..." sabay tawa ng demonyo.

Napa-atras na lamang si Ros na makita ang hawak nito. May kinuha ito sa likod ng pantalon nito at nanlaki mata na lamang siya na makitang kutsilyo iyon.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now