Mr. Stranger 25:

621 23 0
                                    

Pagpapatuloy...

MANDY YU POV:)

Hahawakan ko na sana ang doorknob nang may humawak nalang ng kamay ko at hinila paharap dito. Slow motion nang mangyari iyon halos slow motion rin na napalapit ako sa kanya. Kaunti nalang ang distansya naming dalawa. Nanlalaki mata na nakatingin ako sa kanya.

Tila bang nakaramdam ako sa aking sarili na kakaiba. Di ko alam bakit ramdam ko ang tibok ng puso ko halos kumikislap sa paningin ko si Dylan. Parang gumuwapo sya sa aking mata.

Nang maalala ko ang nangyari iyon kanina nasabunot ko nalang ang ulo ko.

"God! Gosh! No! No!" Nababaliw nang sabi ko sa sarili ko. Bakit palagi ko syang nasa isip? Bakit lagi ko naaalala yung slow motion na iyon? God!

Di sya guwapo! Matangkad lang sya saka... h-hunk? Guwapo naman sya pero yung tama lang.

"Okay ka lang, Mandy?" Tanong ng katrabaho ko.

Bumalik nalang ang sarili ko nang marinig ang boses na iyon.

"Okay lang. Hehehe." Nahihiyang sabi ko. Umayos na ko ng pagkakaupo at inayos na ang mga gamit na nagkalat sa table ko.

Natigilan nalang ako sa ginagawa ko nang marinig ang pamilyar na boses sa akin.

"Tara. Lunch na tayo."

Nanigas nalang ako sa kinagagalawan ko nang makilala ang boses na iyon. Nanlalaking mata pa ako at gulat na gulat na napatingin ako dito. Di ko malaman ano mararamdaman ko pero halo-halo na. Gulat ba ako o na-eexcite? Ewan, nakakabaliw ng nararamdaman ko ngayon.

"Dylan." Sambit ko sa pangalan nito.

JOHNSER SY POV:)

"Sir, ano gagawin natin dito? May ime-meet ba kayong tao dito pero bakit kailangan kasama pa ko?" Tanong ni Beth, ang personal slave ko.

Nandito kami ngayon sa restaurant kung saan dito ako kumakain minsan. Di ko lang sya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad papasok sa restaurant.

"Good afternoon, Sir and Ma'am." Bati ng Manager ng restaurant.

"Good afternoon. Table for two." Sabi ko dito.

"Okay Sir, this way." Sabi nito at hinatid kami sa uupuan naming dalawa.

In-assist na nga kami nito sa uupuan namin.

Pagkahatid, naupo na kaming dalawa ni Beth halos nahihiya pa si Beth nang naupo. Saka di sya mapakali dahil kita nya para sa mayayaman lang ang restaurant na ito. Magagara ang mga damit ang suot ng mga tao dito, samantala sya naka-pantalong kupas lang siya at naka T-shirt na puti lamang siya.

Tiningnan pa nya ang katabi naming table. Tiningnan nya ang suot ng babae. Naka-dress ito at may mga alahas na suot na nagkikislap sa halatang totoong crystal iyon.

Pinagkumpara niya pa ang suot ng babae sa suot niya. Malungkot na napayuko siya at umayos ng upo halos para syang dalagang natatakot na makabasag ng plato.

Sinabi ko na nga sa waiter ang oorder namin na pagkain.

"Do you like ice cream?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah?" Halatang wala sa sarili na tanong nito halos napautal pa.

"Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko ulit dito.

"Bahala ka." Sabi lang nito at halata sa kanya na nahihiya sya. Ang hina pa ng boses niya na tila di sya mapakali sa sarili.

"Two ice cream, chocolate and strawberry flavor. Thanks." Sabi ko dito.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now