Mr. Stranger 32:

521 25 1
                                    

Pagpapatuloy...

JOHNSER SY POV:)

Pagkapasok ko sa office, wala si Tito Andrew at si Elizabeth lang naabutan ko. May pinupunas ito sa sahig na tila may natapon na tubig. Lumapit naman ako dito.

"Okay kana---" di ko napatuloy sasabihin ko nang  may pumasok nalang sa office ko.

"Johnser, we need to talk." Turan ni Tito Andrew. Tumungo naman ito sa office ko at naupo.

Sumunod naman ako dito."Bakit, Tito? Is there a problem?" Tanong ko nang maupo sa upuan ko.

"Kailangan mo nang mapapayag si Mr. Kailes. Pag hindi pa, magpo-protesta na ang mga miyembro ng Uphone Company para palitan ka." Babala nito."Here! Nandito ang mga listahan na tiwalag sa pamumuno mo." May binigay itong folder at kinuha ko naman.

Nakita ng side ng aking mata ng paglabas ni Elizabeth. Gusto ko sana siya kausapan, siguro mamaya nalang.

"Sino raw ipapalit sa akin baka sakali?" Tanong ko habang binabasa ang nga nakasulat.

"Si Dylan."

Natigilan naman ako. Kunot-noo na bumaling ako kay Tito Andrew. Bakas sa mukha nito na totoo ang sinasabi niya.

"Pag si Dylan ang magiging tagapagmana, kailangan natin malampaso siya tulad ng ginawa natin sa kapatid mo." Pahayag nito.

Mas lalo naman ako natigilan sa sinabi ni Tito.

Oo, masama ang ugali ko pero parang ayaw ko na maulit ang ginawa namin tulad sa kapatid ko. Nako-konsensya ako---

"Para sa huli, ikaw at ikaw pa rin pipiliin nila magmamana ng Uphone Company." Dugtong pa nito at tiningnan ako nito ng seryoso.

Wala akong maisip na matino ngayon. Pero alam ko lang ay dapat makisakay na lang ako sa plano nito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkapasok ko ng locker room, naabutan ko naman si Rose na palihim na kumakain. Nang makita ko ito, nagulat pa ito.

"Anak ng teteng! Akala ko si Aling Doya. Ginulat mo naman ako." Bulalas nito halos napahawak pa siya sa dibdib niya habang sa kabilang kamay niya ang isang pandesal.

Working hour pa namin kasi pero siya kumakain ng palihim dito. Patay talaga siya pag mahuli siyang nandito ni Aling Doya. Pakain-kain lang na dapat nasa labas siya, naglilinis.

Malungkot na naupo ako. Takang lumapit naman si Rose sakin pagkatapos ubusin ang tinapay sa kamay niya.

"May problema ba? Okay ka lang?" Tanong nito sa akin pagkaupo katabi ko."Anyare diyan? Sino may gawa nito sayo?" Tanong nito nang hawakan ang baba ko at tiningnan ang kabilang pisngi ko na namumula."Kagagawan ba 'to ni Sir Johnser? Naku! Sabi ko na sayo na demonyo talaga yun---"

"Hindi. Hindi si Sir Johnser gumawa nito sa akin." Malungkot na sakot ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa ibaba."Ganun ba tingin sa atin ng mga mayayaman, basura?"

"Sino ba gumawa nyan sayo?" Tanong pa rin nito.

"Si Sir Andrew." Sagot ko.

"Naku! Isa rin yan, utak ipis din! Makapanglait sa mga katulad natin, e mas mukha pa nga syang janitor kaysa satin." React kaagad ni Rose. Hinawakan niya ang balikat ko."Wag kang mag-alala. Kakarmahin din yun." Pagpapagaan ng loob sa akin.

Malungkot na binalingan ko siya. Nagulat na lamang ito na niyakap ko siya. Umiyak na umiyak ako sa dibdib niya. Hinawakan din niya ang likod ko at hinagod. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ako rin kasi yung tao pag sinabihan ng masasakit na salita, nalulungkot ako.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now