Chapter 109:

278 16 4
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Good morning, si---" yuyuko na sana ako nang hindi ko napatuloy ang pagbati ko dito.

Para akong nakakita ng multo nang makita ang mukha ng boss ko. Slow motion pa ang pangyayari na unti-unti itong humarap sa akin. Hindi mawala ang tingin ko sa mukha nito halos nanlalaki ang mata ako habang nakaawang ng bahagya ang aking bibig.

Tila bumalik sa akin ang masasayang alaala namin ni Ros. Nakaramdam ako ng pag-asa na makita siya ulit. Makita ulit ang taong minamahal ko ng sobra.

"Are you Miss Elizabeth Villatorte? My new secretary?" Panimulang tanong nito.

"Ros?" Sa wakas, saad ko. Nakangiting tumakbo kaagad ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit."Ros, namiss kita. Masaya ako na makita kita ulit. Akala ko iniwan mo na kong tuluyan." Madamdaming pahayag ko.

"E-excuse me?" Saad na lamang nito. Nakataas ang kamay nito na tila walang balak na yakapin rin ako pabalik. Marahas na inalis nito ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.

Disappointed naman na nakatingin ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng kakaiba. Feeling ko, nagbago si Ros...nagbago ang pakikitungo niya sa akin.

"Oh! Andito kana pala, Beth!"

Napalingon na lamang ako sa nagsalita na bagong dating. Nakita ko namang si Mr. Kailes iyon.

"M-mr. Kailes, n-nalilito ako." Litong saad ko. Tiningnan ko si Ros sabay baling ulit kay Mr. Kailes. Umaasa ako na si Ros nga ito at nagpapanggap lamang siya na hindi niya ako naalala.

"Kuya, siya ba ang bagong sekretarya ko? Hindi mo sa akin sinabi na ganito pala ka-sweet ang magiging assistant ko." Nakangiting pahayag nito na dahilan napatingin ako sa kanya. Kinindatan naman ako nito, nakita ko kaagad ang ugali nito na may pagka-chickboy.

Si Ros ba siya? Nagpa-prank lang ba siya? Di ba, prank lang 'to? Kung si Ros man siya, hindi chickboy ang galawan niya.

"Oo nga pala! Nalimutan ko sa'yo sabihin kahapon, Beth." Napatingin naman ako kay Mr. Kailes. "Ipapakilala ko pala sa'yo ang kapatid ko. Siya si Easton...Easton Kailes, ang magiging boss mo. Kamukhang-kamukha pala niya si Ros, kaya ganoon na lamang kagaan ang loob ko sa kanya noong kita ko palang sa kanya. Pasensya na kung ngayon ko palang nasabi sa'yo." paliwanag nito.

"I-ibig sabihin..." tumingin ako sa binata habang turo siya.

Ngumiti ito ng puno ng pilyo."Hello! I'm Easton, your new boss." Pagpapakilala nito sabay lapat ng kamay para makipagkamay.

Tiningnan ko ang kamay nito at malungkot na bumaling ulit sa mukha nito. Sobra akong nadisappointed pero feeling ko si Ros ang kaharap ko base sa tibok ng puso ko. Gusto ko siyang hawakan pero hindi. Hindi siya si Ros.

Pakiramdam ko mas lalo akong nasaktan sa pagkawala ni Ros. Sa tingin ko nga'y matagal ako makaka-move on nito lalo na makikita ko araw-araw ang mukha ng mahal ko sa bagong boss ko. Dito ko napatunayan na napaka-kapangyarihan ng diyos. Kaya niya humulma ng tao na magkamukha na magkamukha talaga.

ALING MARTHA POV:)

Dinidilig ko ngayon ang aking mga tanim na halaman na dinisplay ko dito sa harap ng may-ari kong apartment. Nang natigil na lamang ako sa aking ginagawa nang makarinig ng tumikhim mula sa aking likuran.

Pagtingin ko sa aking likod, nagulat na lamang ako na makitang nandito ang dating boss ni Elizabeth.

"Aling Martha, magandang araw po." Magalang na bati nito.

"Magandang araw din sayo, iho!" Nakangiting bati ko rin dito.

"Nandiyan po ba si Elizabeth?" Tanong nito kaagad sabay tingin sa bintana kung saan kinaroroonan ng kuwarto ni Beth.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now