Mr. Stranger 40:

522 24 2
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkarating namin sa waiting shed kung saan dito naghihintay ng bus, naupo na kami ni Ros sa upuan kasama rin ang ibang pasahero na naghihintay rin. Medyo may space sa pagitan namin ni Ros, akala mo tuloy di kami magkasama.

Yakap ko lang ang bag ko na panay tingin sa dumadaan na sasakyan. Mga 2 minutes andyan na rin yung bus kaya di kami maghihintay dito ng matagal. Kung papasok ako ng trabaho, syempre ganoon rin si Ros. Papasok na din siya sa bago niyang trabaho at baka sa sabado, magsasahod na din siya. Nangako siya sakin na bibili niya ako ng mga magagandang damit para di daw paulit-ulit ang suot ko pag papasok ng trabaho. Sweet niya 'no?

"Sis, ang guwapo niya." Narinig ko na lamang na boses babae.

"Sino?" Tanong naman ng dalawang kaibigan nito.

Nakita ko namang tinuro ng babae si Ros na kasalukuyang naka-headset at nakatingin lamang ng deretsyo sa unahan.

"Oo nga. Ang guwapo." Payag ng dalawang kaibigan nito. Mga estudyante sila at mukhang high school palang sila base sa uniform nila.

Napangiti na lamang ako. Sino naman di makakapansin kay Ros e ang guwapo talaga niya. Lahat ng ideal ng babae sa lalaki, na kay Ros na. Hinding-hindi na pwedeng pakawalan. Sarap magpa-anak na. Charot lang!

"Di ba, matinik ka sa mga lalaki? Hingian mo rin kaya yan ng number." Sabi ng isang kabigan nito.

"Oo nga. Baka maging boyfriend mo." Payag rin ng isang kabigan nito sa sinabi ng kaibigan.

"Sige ba." Sabi nito sabay ngiti ng pilya.

Tumayo na nga ang babae at pumunta sa harapan ni Ros. Dahil doon, naiangat ni Ros ang tingin dito. Takang inalis nito ang headset sa tainga at tiningnan ito ng pagtataka.

"Why?" Napaka-poging sabi nito.

"Pwede pahingi ng number mo?" Sabi nito sabay bigay ng cellphone nitong Uphone ang tatak.

Tiningnan lamang ni Ros ang cellphone sabay baling ulit sa mukha nito. Expected ko na ibibigay ni Ros ang number niya dito pero nagulat na lamang ako nang tinuro niya ako. Napaka-kunot noo naman ang babae.

"Ano sa kanya?" Nangunot ang noo tanong ng babae dito.

"Paalam ka muna sa kanya." Nakangiting side sabi ni Ros habang turo pa rin ako.

"Ah?" Naituran ko na lamang.

Kunot pa rin ang noo na tiningnan ako nito at baling ulit kay Ros.

"She's my girlfriend." Nakangiting parang bata sabi ni Ros na kinanlaki ko naman ng mata.

"Ah?" Bulalas lamang ng babae.

Tumayo na nga si Ros sa pagkakaupo nang makitang tumigil na ang bus sa harapan namin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila papasok doon.

"Let's go. Baka maubusan tayo ng upuan." Sabi nito habang hawak ang kamay ko.

Namumula ang pisngi na nagpaakay lamang ako dito.

Girlfriend daw?

Pagkaupo namin ay nagulat ako nang hawakan ni Ros ang kamay ko sabay lagay sa lap niya. Di ko maiwasang kiligin sa ginagawa niya ngayon. Naging lalaking-lalaki na siya ngayon na talaga namang nagpapakilig sa sarili ko ngayon. Yung ano ginagawa niya ngayon, gustong-gusto ko iyon.

Umandar na nga ang bus.

"Nag-suklay kana ba?" Tanong na lamang ni Ros na dahilan napadilat-dilat ang aking mga mata.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now