Book 1:

929 13 1
                                    

Napatingin na lamang ako sa isang karinderya. May pinagbubugbog na lalaki doon na tila walang kalaban-labanat humihingi ito ng pasensya. Nagmamakaawa ang lalaking puno ng dumi ang damit halos di na makilala ang mukha dahil sa dumi.

"Ouch! I'm not a thief! I'm just watching how you cook." Sabi ng lalaking pinagbubugbog at english ang kanyang salita.

"T*rantado ka! Gusto mong nakawin ang tinitinda ko!" galit na sabi ni manong sabay pinagsisipa ito.

Dali-dali naman akong lumapit dito at inawat ito.

"Kuya! Child abuse ka!"

Nagtago naman ang maduming lalaki sa likuran ko.

"He wants to kill me." Sumbong naman nito sa akin.

"Balak niyang nakawin ang niluto kong pandesal!" Galit na sabi ng tindero.

"I'm hungry!" Sagot lang ng englisherong maduming lalaking ito.

"Kuya, bibili ako ng sampung pandesal. Wag mo na siya pag-initan. Maawa naman kayo sa kanya wala siyang pamilya saka sa kalye lang siya nakatira." Sabi ko dito.

"Tsk! Sige, basta umalis na yang maduming lalaking yan!" Payag ng lalaki.

"Oo. Ako na po bahala sa kanya." Sagot ko.

Nilagay nito sa plastic ang tinapay. Binigyan ko na nga siya ng pera bilang bayad at kinuha na ang binili kong pandesal. Hinila ko na yung englisherong maduming lalaki paalis sa lugar na iyon.

Nang malayo na kami, saka ko siya binitawan.

"Kainin mo yan." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng pandesal.

"Thank you." Halatang hasa sa english na pasasalamat niya sakin. Kumain naman agad ito ng pandesal. Nagtatalon-talon ito sa sobrang sarap ng kinakain nito."Yummy!" Tuwang-tuwa na sabi pa niya.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko dito habang nasa gitna ito ng pagkakain.

"What? What did you say?" Tanong nito.

"Letche! Di ba ito marunong magtagalog?" Sa loob-loob ko."I said, what is your name? You name?" Ulit ko. Takte! Napa-english na rin ako.

"I don't know? I don't know who I am and how I got here." Halatang walang naalala na sagot nito.

"What?!!"

May amnesia siya?

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon