Chapter 110:

291 15 9
                                    

DYLAN LORENZO POV:)

Nandito ako ngayon sa CCTV room kung saan mino-monitor lahat ang paligid ng Uphone. Kanina pa namin hinahanap sa CCTV recording kung paano na-meet ni Mandy ang isang janitor na nagbigay sa kanya ng juice na dahilan na-food poisoning siya.

Patuloy pa rin hinahanap ng lalaki ang naging location kanina ni Mandy kung paano nakatagpo nito ang isang janitor.

"What time, sir, dumaan si Miss Mandy dito?" Tanong ng lalaki na siya naghahanap sa CCTV footage.

"Around 9 o'clock in the morning, kahapon." Sagot ko habang nakatingin sa screen habang nasa lamesa ang kamay ko at nasa likod ng lalaking kinauupuan ang kabila namang kamay ko.

"Kahapon, sir? Naku! 9 o'clock sa bandang iyan, sira yung CCTV."

Napakunot-noo naman ako."Sa sobrang kalumaan na din, sir. Pinalitan namin palang kahapon ng bagong modelo." Napakamot sa ulo paliwanag nito.

"Wala na ba ibang CCTV na nakatutok sa lugar na iyan?"

Umiling ito."Tingnan ko, sir, pero makikita natin ang pagdaan nila sa hallway." Sabi nito at agad-agad na hinanap.

Tutok na tutok naman ako. Nakita ko sa footage na dumaan na si Mandy sa hallway at pumasok na ito sa conference room. Hinanap naman namin kung saan dumaan ang janitor. Pero lahat ng hallway, napaka-clear at hindi ito nahagip ng CCTV.

"Sir, mukhang yung janitor, dumaan sa fire exit." Sabi nito sabay tingin sakin habang hawak ang mouse.

"Fire exit?" Kunot-noo na tanong ko.

"Doon kasi kung saan nasira yung CCTV, may fire exit doon at maaring doon dumaan ang janitor. Maari ninyong i-check."

Nandito ngayon ako sa sinabi ni Mandy kung saan niya na-meet ang janitor na iyon. Tiningnan ko ang CCTV na nakatutok sa pwesto ko. Nakita ko ngang pinalitan na ng bagong cctv ito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko nga di kalayuan ang fire exit.

Naglakad ako papunta dito.

**Flashbacks**

"Ano itsura ng janitor?" Tanong ni Tito Leandro.

"Hindi ko nakita ang mukha dahil naka-mask siya tsaka medyo mahaba ang buhok niya kaya natatakpan kakaunti ang mga mata niya." Sagot ni Mandy habang nakaupo at nakasandig sa headboard ang kanyang likuran.

"Matanda o binata?"

"Dad, I think mga ka-edad n'yo siya. Pero may napansin ako sa pulsuhan niya. May tattoo siya na pareho sa mask niya." takang-taka na paliwanag nito.

"Tattoo?" Kunot-noo na saad ni Tita Lorisette habang nakaupo pa rin ito sa gilid ng kama samantala kami ni Tito Leandro ay nakatayo lamang.

"Spider. Spider ang tattoo niya."

**End of flashbacks**

Pagkapasok ko sa fire exit, naabutan kong walang tao. Ini-imagine ko, kung ako ang janitor na iyon, saan ako posibilidad daan. Bumaba ako ng hagdan hanggang sa pinakababa. Paglabas ko, nasa parking lot na ako.

Mukhang dito nga nanggaling ang lalaking iyon at posibleng dito naka-parking ang sasakyan na sinakyan nito sa tapat mismo ng fire exit.

Tiningnan ko lahat ang paligid ng parking lot at may nakita na lamang akong CCTV na di kalayuan dito. Hindi ako sigurado kung abot ba ang CCTV na iyon dito pero ito lang ang CCTV na malapit sa pwestong ito.

Posible kayang ang lalaking may tattoo na gagamba ay tauhan lamang ni Mr. Andrew Sy? Siya rin kaya ang posibleng gusto i-hack ang system ng Uphone at Sumex? Sa anong dahilan bakit ginagawa niya ito?

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now