Chapter 105:

266 15 3
                                    

ANDREW SY POV:)

Bago paman umuwi, nandito kami nasa ilalim ng tulay at dito dinala ang bangkay ni Ros. Nandito lamang ako sa loob ng kotse kasama ang assistant ko at pinapanood lamang sa malayo ang mga tauhan ko.

Tumunog na lamang ang cellphone ko at agad na sinagot ang tawag.

"Dylan, bago ninyo siya ihulog sa ilog, barilin mo ang mukha niya. Dapat hindi mamukhaan ang mukha niya pag makuha siya ng mga awtoridad na palutang-lutang sa ilog." Kalmadong boses na utos ko dito.

"Masusunod po."

Pagkasagot nito, bumaling ulit ako sa labas at nakita ko na lamang na hinugot ni Dylan ang kanyang baril at kinalabit ito. Umugong naman ang lakas ng putok ng baril. Pagkatapos, inutusan na nito ang mga kasamahan na nito na ihulog na ang bangkay ni Clive sa ilog.

Nang matagumpay nito nagawa ang trabaho, tumawag ulit ito.

"Tapos na po."

"Kayo na bahala maglinis ng kalat n'yo." Sabi ko at binaba na ang tawag."Alis na tayo!" Utos ko sa assistant ko at sinara na ang bintana.

Tahimik na nilisan na ang lugar na ito.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Ros!" sigaw ko at napabangon ako sa kinahihigaan dahil sa masamang panaginip kong iyon. Paggising ko, nandito na ako sa kwarto ko. Nasaan si Ros?

Mabilis naman bumukas ang pinto at iniluwa doon sina...

"Beth!" Sabay turan nila Bossbrad nang makitang gising na ako.

Alalang nagsilapit naman ang mga ito at kasama nila si Aling Martha. Mabilis na naupo sa gilid ng kama ang nanay ni bossbrad at hinawakan nito kaliwang balikat ko.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Tanong nito sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid at umaasa pa rin akong panaginip lamang ang nangyaring iyon.

"S-si...si Ros?" Tanong ko dito.

Natahimik naman silang lahat. Doon palang nagsimula nang manikip ang puso ko. Ibig sabihin, totoo ang panaginip na iyon?

"Nasaan si Ros? Di ba, nandyan siya?"

Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa nakitang reaksyon sa kanilang mukha. Nang tiningnan ko si PUBG, mabilis itong umiwas ng tingin sa akin.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ko. Sa sobrang bigat na nararamdaman ko, napahawak na lamang sa dibdib ko. Hindi pa rin ako naniniwala at umaasa pa rin akong pina-prank nila akong lahat.

"Bossbrad, nasaan siya? Pumasok na ba siya sa trabaho o pauwi na siya? Di ba, okay lang siya? Di ba? Di ba?" Di pa rin makapaniwala na tanong ko sa kanila halos pumiyok pa ang boses ko. Pinipilit kong maging okay pero traydor ang mga luha sa mga mata ko, halos boses ko hindi makisama sa akin.

Dahil hindi na mapigilan ang nararamdaman ni Jake, John at Jero, mabilis na tumalikod ito at tumulo ang mga luha sa mga mata nito. Sinikap nitong hindi humagulhol at pilit pinipigilan ang pagbuhos ng mga emosyon nito.

Napatingin na lamang ako kay Aling Martha nang hawakan nito ang mga kamay ko.

"Beth, may sasabihin ako. Wag ka sanang mabibigla ah? Kasi..." Yumuko ito at humugot muna ng malalim na hininga bago sabihin ang totoo."Kasi w-wala pa kaming balita kay Ros. S-sa totoo, pinaghahanap pa siya---"

"Kung ganoon, hanapin natin siya! Kailangan niya ng tulong natin!" Bulalas ko kaagad na dahilan hindi napatuloy ang sasabihin nito.

Aalis na sana ako sa kama nang mabilis na pinigilan ako ni aling Martha.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora