Mr. Stranger 35:

526 25 1
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkaalis ni Sir Dylan, saka na ko pumasok sa loob para bantayan si Ros. Pagkapasok ko, nakita ko si Ros, gising na at tulala lamang. Mukhang kakagising lang niya.

"Ros!" Sambit ko at agad na nilapitan ito."Okay ka lang? May masakit ba sayo?" Tanong ko kaagad sa kanya halos hinawakan ko siya sa kanyang balikat.

Mapupungay ang mata na bumaling siya sa akin. Kita ko sa mata niya ang isang kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit pero tila nangingislap ang mga mata niya na dahil ba sa naluluha siya.

"Lady Beth." Turan niya at agad na niyakap ako."Promise me you won't leave me. You will still be there until my memories return." Madamdaming pahayag niya.

Napangiti naman ako.

Niyakap ko rin siya pabalik."Oo, promise." Pangako ko.

"I also promise that I am still the Ros you met. I will never lose you." Pangako rin niya.

Matagal kami sa posisyon na iyon.

JOHNSER SY POV:)

"Asan si Dylan?" Tanong ko kay Ramon habang nasa kabilang linya ito.

"Hindi ko po alam, Sir. Wala po ba dyan sa office?"  Sagot nito.

Sa inis, pinatayan ko na lamang ito ng tawag. Aalis na sana ako nang makakita sa ibaba ng cellphone. Kinuha ko naman iyon sa ibaba at tiningnan. Titingnan ko kung sino nagmamay-ari ng cellphone na ito.

Pinindot ko naman ang pindutan na nasa gilid nito.

Pagkapindot, bumungad sa akin ang lockscreen picture ng cellphone. Bahagyang nagulat ako nang makita si Elizabeth ang nasa picture. Paano napunta ang cellphone niya dito?

Para makasiguro ay dinial ko sa aking cp ang number ni Beth. Di naman ako nagkamali, cellphone nga niya ito. Nag-ring naman ito. Bahagyang napakunot-noo ako nang mabasa ang nakapangalan sa akin.

"Mansta?" Basa ko.

Biglang may naalala na lamang ako nang mabasa ko iyon.

**FLASHBACKS**

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko na lamang ang aking kapatid na tumatakbo papunta sa akin. Tumatawag pa ito na tila takot na takot.

"Kuya! Kuya! Kuya!" Tawag nito.

Pagkasara ng pinto saka ito nakalapit sa akin. Nag-eedad akong trese habang si Clive ay sampung taon.

"Why?"

"There's a mansta! There's a mansta!"

"Where?" Tanong ko.

Tinuro naman niya. Pumunta kami sa kwarto niya. Nang makita niya ang monster para siyang babae na takot na takot. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya.

"Mansta! Mansta!" Nandidiri at takot na takot turo niya sa ipis na nasa ding-ding ng kwarto niya."Ehhh! It's so scary. It's like he's going to eat me, Brother."

Natawa naman ako dito.

"This is not a mansta. This is a friend." Natatawang sabi ko sa kanya."Let me touch this."

"No! No!" Sabi ng kapatid ko.

Dali-dali hinawakan ko ang ipis. Tumakbo naman siya at hinabol ko siya hawak ang ipis. Panay tawa lang ako habang ang kapatid ko ay natatawang takot rin.

Puro tawanan namin ang naririnig sa bahay.

**END OF FLASHBACKS**

Nang maalala iyon ay tiningnan ko ulit ang cp. Doon ko siya namiss. Kahit may hidwaan kami ng kapatid ko, di nawala yung magagandang pinagsamahan namin. Ngayon, sinisisi ko ang sarili ko. Ako ang dahilan bakit namatay siya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now