Chapter 101:

231 15 7
                                    

THIRD PERSON POV:)

"Mahigpit ngayon ang sekuridad ng Uphone lalo na may nangyaring krimen isang araw doon. Hindi mo ba nabalitaan? Kaya nga pinigilan kita papasukin doon."

"Oo na! Aalis na ko, huwag mo na ko ihahatid!" Padabog na inayos ang suot na damit."Oh sya! Maiwan na kita...MISTER C-E-O." Pa-insultong paalam niya dito sabay tinaptap muna niya ang balikat ko bago padabog na umalis. Halos binangga pa niya ito.

Iniwan na nga niya ito habang panay bulong-bulong niya.

"Sus! Ayaw lang niya ako papasukin sa kompanya niya, dami pa siyang dada. Tsk! Gusto mo lang ma-solo ang girlfriend ko e!" Lumingon pa siya at nakita niyang pumasok na sa loob ng building si Johnser."Jusko! Sarap mo iuntog!" Gigil na gigil na tumalon pa sabay sipa sa hangin."Porket ikaw may-ari ng Uphone e! Kaya ko rin makapagtayo ng kompanya, wait and see. Sarap mo suntukin!" Sabi niya sabay angat ng kamao.

Natigilan na lamang siya sa laman ng kamao niya. Binuksan niya ang kanyang palad at nakita na lamang niya ang wallet ni Beth. Kailangan niya itong maibigay dito at nag-aalala siya baka hindi ito kumain ng tanghalian dahil nasa kanya ang wallet nito.

Napagdesisyunan ni Ros na puntahan si Beth para ibigay ito sa kanya. Maglalakad na sana siya nang may mabilis na sasakyan na dumaan sa harapan niya. Mabilis naman siya nakailag at muntikan pa siyang mabunggo nito.

Sa sobrang lakas ng pag-atras niya, nawalan siya ng balanse at napahiga siya sa sahig halos nauntog ang ulo niya sa isang bakal. Dahil doon, nakarinig na lamang siya ng nakakabinging tunog sa kanyang tainga at nagsimulang lumabo ang tingin niya.

May naglalaro na lamang sa kanyang isipan ng mga boses at mga imahe.

"Kuya, look! A rabbit!" tawag niya sa batang lalaking na tila nag-eedad ng 10.

Nakita niya ang paligid na tila nasa kagubatan ang dalawang bata na nakikita niya sa kanyang alaala.

Sinundan naman ng bata ang kuneho na nakita. Simunos lamang sa kanya ang kapatid niyang lalaki.

Sa hindi inaasahan, nahulog na lamang ang batang lalaki na tila isang trap, isang malaking butas sa lupa at napakalalim ng lalim nito. Napahawak kaagad ito at muntikan na itong mahulog sa malalim na butas.

"Clive!" Sigaw ng kapatid nito nang makita ang nangyari.

"Kuya, help!" Sigaw lamang ng bata.

Mabilis na lumuhod ang kapatid nito para tulungan siya iangat pero tumigil na lamang ito. Tila nagdadalawang isip ito kung tutulungan siya nito o hindi.

"Kuya? Why? Help me?!" Nagtatakang tanong ng bata sa kapatid nito.

Dahan-dahan umatras ang kapatid niya at tila wala na nitong balak na tulungan siya. Gusto nitong hayaan na lamang siyang mahulog sa malalim na hukay. Tumalikod na ito at umalis para iwan siya.

"Kuya?" Nagsisimula nang umiyak ang bata at pinilit pa rin nito kumapit sa nahahawakan nito pero kasamaang palad naputol ang hinahawakan nito kaya,"Kuya!"

"Kuya, did you see my ball?" Tanong ng bata sa kapatid nito na tila nagbago ang lugar at pangyayari.

Tinuro naman ng kapatid ang kwartong pinagpasukan ng bola.

Pumasok naman ito sa loob pero nagulat na lamang ito nang sumara ang pinto. Takot na takot na lumapit kaagad siya sa pintuan at pilit binubuksan ito.

"Kuya, please? Open the door!" Nakakaawang muwang na sabi sabi at kinakatok ang pinto."Kuya, I'm scare!" Naiiyak na sabi nito at nilalakasan ang pagkakatok nito sa pintuan.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now