Mr. Stranger 48:

475 26 9
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Ang aga pa para pumasok ka." Turan na lamang ni Ros na dahilan nagising ang ulirat ko.

Napapikit-pikit na nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi ko magawang makapagsalita tila naiiipit ang dila ko ng isang bagay.

"Hmm,"

Yan lamang ang nasaad ko.

"Iniiwasan mo ba ako?" Prangka na lamang na dahilan sumagot agad ako sa kanya.

"H-hindi. Hindi. Mali nasa isip mo. Di kita iniiwasan. Hehehe." Pagsisinungaling ko. Totoo naman na iniiwasan mo siya ah? Iniiwasan mo siya dahil sa kiss nyo sa CR.

Sabi ng isip ko na dahilan napakagat na lamang ako ng lower lips ko.

Bumaling siya sa mesa at kinuha ang lipstick na nasa kamay ko. Takang napatingin naman ako sa kanya. Ano gagawin niya?

Kinuha niya ang isang upuan at pinaharap sa akin. Nagulat pa ako nang hilahin niya ang upuan ko at pinaharap ako sa kanya. Nagtataka ako kung ano gagawin niya. Ikikiss ba niya ako ulit?

"Ako na maglalagay nito sa labi mo." Mapupungay ang matang nakatingin sakin na sabi niya sabay bukas ng lipstick.

Bahagyang lumapit siya sa akin na dahilan napa-breeze ako. Ang lapit niya sa akin. Ito na naman yung nakakabaliw na naramdaman ko kanina. Sasabog na naman ako sa di ko maintindihan na damdamin ko.

Napakagat ulit ako sa lower lips ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko na dahilan nakaramdam ako ng parang kuryente na dumampi sa balat ko. At ang isang kamay naman niya ay hawak ang lipstick na nakatapat na sa labi ko.

Bago pa man niya lagyan ng lipstick ang labi ko ay tumingin muna siya sa mga mata ko na dahilan kinagulat ko. Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya. Sana di niya mahalata baka ano isipin niya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Nararamdaman kong first time ko ito gagawin sa babae." Napaka-manly na boses turan ni Ros. Lakas makatibok ang puso na nakatingin lamang ako sa kanya."At siguro ikaw rin ang babaeng nahalikan ko palang."

Nanlaki naman bahagya ang mga mata ko. Ayaw ko pag-usapan ang nangyari kahapon dahil nahihiya ako---nababaliw na ko sa nararamdaman ko ngayon.

Lalayo ko na sana ang ulo ko palayo dito nang hindi niya inalis ang kamay niya sa pisngi ko na dahilan di ko nagawa ang binabalak ko.

"Wag ka nang gumalaw. Lalagyan na kita nito." Mahinahon na sabi niya.

Walang magawa kaya binayaan na lamang siya.

Dahan-dahan dumampi ang lisptick sa labi ko. Di ko alam kung tama ba pagkaka-shades niya sa labi ko. Nawawala ako sa sarili ko, nakatingin lamang ako kay Ros. Bakit ang guwapo niya? Simpleng babae lang ako, hindi maganda, medyo matangos ang illng, bilugan ang mata at morena. Pero bakit nakatagpo ako tulad ni Ros na imposible mangyari sa totoong buhay. Nakatagpo ako ng may amnesia na akala ko matanda pero nung nalinisan, ang guwapo pala. Mala-foreigner kung magsalita ng english na hasang-hasa.

Panaginip ba ito? Totoo bang may nakilala akong Ros? Kung panaginip man, sana hindi na ako gumising. O di kaya, totoo ito.

"Masaya akong naayusan kita kahit ito lang." Nakangiting saad maya-maya ni Ros habang naglalagay pa rin ng lipstick sa labi ko. Bumaling siya sa mga maya ko na may ngiti pa rin sa mga labi."Pinapangako ko, ikaw lang ang babaeng hahawakan ko ng ganitong kalapitan..." Bahagyang napatigil ang paghinga ko ng nilapit ni Ros ang mukha niya sa akin habang nasa pisngi ko parin ang kamay niya. Nakatingin kami sa isa't-isa habang gulat na gulat ako sa ginawa nito."at ikaw lang din ang babaeng titingnan ko ng ganito."

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now