Chapter 98:

286 14 1
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Ano daw problema ni Ma'am Mandy?" Tanong ni Rose habang naglalakad na kami ng hallway.

Pauwi na kami ngayon dahil kakatapos lang ng working hour namin.

"Tungkol sa taong gusto niya." Sagot ko sabay bukas ng mineral bottle at uminom.

Pagkainom ko, binigay ko din kaagad ang mineral bottle kay Rose at nakiinom din siya. Yung kinakagatan din niyang malagkit, binigay din niya sa akin at pinasok ko kaagad lahat iyon sa bunganga ko. Sa sobrang close namin, lahat na kinakain namin, hati kami. Napagkakamalan na tuloy kami ng mga katrabaho namin na magkapatid kami ni Rose.

Pagkainom, pinunasan kaagad nito ang labi nito."Salamat." sabay balik sakin ng tubig. Kinuha ko naman iyon.

Bumukas ulit ng pagkain si Rose. Hinati niya ang binili niya kanina sa canteen na tinapay. Pagkahati, binigay niya sa akin ang kalahati at sa kanya naman ang kabila.

"Thank you." Pasalamat ko rin.

Tumigil na kami sa paglalakad nang nasa harapan na kami ng elevator. Bago paman magsalita ulit siya, pumindot na muna siya.

"Siguro, si Sir Johnser ang pino-problema niyon."  Saad maya-maya ni Rose sabay kagat sa tinapay.

"Paano mo nasabi?" Curious na tanong ko.

"Sino pa ba ang lalaki na tinutukoy niya, e di si Sir Johnser." Ngumunguya na chismis nito sa akin.

"Ah?" Naituran ko lamang.

"Di mo ba alam arrange marriage silang dalawa?"

Nagulat naman ako sa nalaman."Talaga?" Di makapaniwala na untag ko.

Tumango ito.

Bago magsalita ulit, linunok muna nito ang pagkain na nasa bunganga niya kanina."Girl, dahil nga nag-sanib pwersa ang Uphone at Sumex, napagkasunduan nila na i-arrange marriage ang dalawa. Patunay lamang na lumakas lalo ang bond ng dalawang kompanya." Paliwanag nito sabay kagat ulit sa tinapay."Ito pa ah? Kung hindi sana namatay yung kapatid ni Sir Johnser, iyon sana ia-arrange marriage kay Miss Mandy." Dagdag pa nito.

Nagulat naman ako sa mga nalaman. Ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito. Alam ko na nag-merge ang Uphone at Sumex pero hindi ko alam ang tungkol sa pinagkasunduan ng dalawang malaking kompanyang iyon.

Kung gano'n...

Napatingin kaagad ako dito."Ibig sabihin, may gusto si Miss Mandy kay Sir Johnser at iyon pino-problema niya? Hindi siya pinapansin ni sir?!" Bulalas ko.

Tumango-tango naman kaagad si Rose."Baka naman may ibang gustong babae si Sir Johnser kaya wala siyang pakialam sa feelings ni Ma'am Mandy?"

Nagulat na lamang ako nang sikuhin ako nito at tiningnan ako nito ng puno ng malisya.

"Baka nagugustuhan kana ni Sir? Haba ng hair natin ah?!"

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Hindi 'yan nakakatuwa." Suway ko dito.

"Joke lang!" Hinawakan nito ang kabilang kamay ko at niyakap."Ikaw naman hindi mabiro. Pero malay mo lang naman, baka gusto ka niya." Malisya pa ring pahayag nito.

"Kulit mo talaga," sabi ko nalang sabay kagat ulit sa tinapay.

Tumawa lamang si Rose.

Pagbukas ng elevator, pumasok na kaming dalawa. Sasara na sana ang elevator nang may kamay na sumulpot mula doon sa pinto para pigilan ang pagsara nito. Nagulat naman si Rose nang makita ang taong gumawa iyon.

"Speaking of the witch!" Pabulong na sabi niya sa akin habang hawak pa rin niya ang braso ko."Good evening, sir Johnser!" Bati niya dito.

"Good evening, sir." Magalang na bati ko.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now