Mr. Stranger 38:

518 20 1
                                    

Pagpapatuloy...

JOHNSER SY POV:)

Posibleng ang babaeng kinahuhumalingan ni Dylan ay si...

Napatingin kaagad ako sa kinaroroonan ng dalawa na nagtatawanan.

Kunot-kunot ang noo na lumapit ako sa kanila at agad na hinawakan ang kamay ni Elizabeth na kinagulat nito. Matatalim ang tingin na tiningnan ko si Dylan na gulat na gulat nang makita ako.

"Sir Johnser."

Dahil ramdam ang selos binalingan ko kaagad si Elizabeth pero natigilan naman ako nang nakitang hindi si Elizabeth ang babaeng hawak ko.

"Sir Johnser, bakit po?" Tanong ng babae na isang employee dito.

Di makapagsalita na napatingin ako kay Dylan na takang-taka. Kunot na kunot ang noo na bumaling ulit ako sa babaeng napagkamalan kong si Elizabeth. Nakita ko na lamang si Elizabeth na papalapit sa kinaroroonan namin na dala ang panlinis. Nang makita ako nito agad na hininto nito ang mga gamit na panlinis nito na nasa isang lagayan at mabilis na nagbigay ng paggalang sa amin.

"Magandang hapon po, Sir Johnser, Sir Dylan." Magalang na bati nito halos nag-bow pa. Takang napatingin naman ito sa kamay kong nakahawak sa di ko kilalang babae.

Bumaling ulit ako sa babaeng napagkamalan kong siya at mabilis na binitiwan ito sa pagkakahawak sa pulsuhan nito.

"Bakit po, Sir Johnser?" Tanong pa rin ng babaeng napagkamalan kong si Elizabeth.

"P-paki-timpla ako ng kape. Padala sa office ko. Bilis." Rason ko kaagad halos nautal pa ako.

Naglakad na ako pabalik sa office. Tumigil pa ko sa harap ni Elizabeth at tiningnan ito. Takang nakatingin lamang siya sa akin at hinihintay kung ano sasabihin ko sa kanya. Di ko alam anong gusto kong sabihin sa kanya. Medyo nakakahiya ang ginawa ko at mabuti nalang di ko pinapahalata na nawawala ako sa sarili ko dahil sa kahihiyan.

Napakagat-labi na lamang ako nang maalala ang kahihiyang ginawa ko. Nagpatuloy na ulit sa paglalakad at tiningnan lamang ako ni Elizabeth paalis. Di ko alam bakit ginawa ko iyon kanina. Sigurado akong si Elizabeth talaga nakita ko ng dalawang mata.

Napa-pikit na lamang ako sa kabobohang ginawa ko habang naglalakad pabalik sa office. Kagat labing binuksan ko na ang pinto ng office ko at doon nilabas ang kahihiyang ginawa ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Okay lang kaya iyon si Sir? Bakit parang pinagpapawisan siya?" Sa loob-loob kong tanong.

Napakamot sa ulo na nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad habang tulak ang cart na naglalaman ng panlinis. Huminto ako nang makita si Sir Dylan. Andito pala siya, nalimutan ko.

Umalis na nga yung babaeng kausap ni Sir Dylan.

"Sir Dylan." Tawag ko.

"Hello. Kamusta na siya?" Nakangiting tanong nito habang nasa isang bulsa niya ang kanyang kamay.

"Okay na po siya. Sa totoo lang po, inaanyayahan nya kayo mag-dinner sa bahay para magpasalamat sa pagtulong sa kanya." Sabi ko kaagad."Papunta siya ngayon dito para kausapin kayo---"

"No!" Sabi nito kaagad na dahilan naputol ulit ang sinasabi ko. Umiba ang ekspresyon sa mukha nito na tila gulat na gulat sa sinabi ko."I'm--- I mean, balak ko sana  na ako nalang magyaya sainyo mag-dinner mamaya. Wag mo na siya papuntahin dito. Susunduin nalang natin siya." Sabi nito kaagad.

Eh? Bakit bumaligtad? Dapat kami magyaya ng dinner sa kanya para magpasalamat. Siguro, nasobrahan lang sa bait si Sir Dylan. Masyado niya kina-career ang pagiging angel niya. Kaya madami rin nagkakandarapang babae sa kanya dahil sa kabaitang tinataglay niya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now