Chapter 92:

291 13 3
                                    

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Sandali! Sandali!"

Tinigil naman ni Sir ang pagpapaandar ng kotse. Takang napatingin kami dito habang si Sir Johnser naman ay nakatigin sa kanya sa front mirror.

"Bakit?" tanong ni Ros dito.

"Hindi muna ako sasama sainyo. Hindi ko pwede iwan mag-isa doon si mama," nag-aalalang sabi nito. Binuksan na nito kaagad ang pinto ng kotse para bumaba."Ingat kayo ah? Chat-chat nalang." Sabi nito sabay sara ng pinto at tumakbo na pabalik sa bahay nila.

Nakatingin lamang kami kay bossbrad na papalayo.

"Tara na?" boses ni Sir Johnser.

"Tara na po." Si Ryan na sumagot dito.

Pina-andar na ulit ni Sir ang kotse para umalis.

Pagkaraan ng sampung segundo nakarating naman kaagad kami sa destinasyon. Mangha naman kami ni Ryan na tinitingnan ang nadadaanan namin habang nakasunod kami kay Sir. Samantala si Ros naman ay nasa bulsa lamang ang mga kamay at natural lamang maglakad.

Sa abala kami ni Ryan sa pagtitingin sa nadadaanan namin, tumigil na pala sila Sir sa paglalakad halos nabangga pa kami ni Ryan sa likod nito. Bumangga naman ako sa likod ni Sir Johnser samantala si Ryan naman ay sa likod ni Ros.

"S-sorry, Sir." Hinging patawad ko.

Nginitian lamang ako ni Sir kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Nang nasaksihan iyon ni Ros, mabilis na hinawakan niya ang braso ko at hinila palapit sa kanya. Sabay inakbayan pa niya ako at kita ko sa mata niya ang pagseselos.

"Dito ka lang sa tabi ko, ate. Baka di lang mabangga mangyari sayo, baka mahulog kana sa iba." Nandidilat ang mga mata na sabi nito.

Naikunot naman ni Sir Johnser ang kanyang noo nang makita niya ang ginawa nito. Sa pag-hakbay palang ni Ros parang gusto niya ipahiwatig na pagmamay-ari niya ako. Para hindi kami mabuking ni Sir, inalis ko ang kamay ni Ros sa pagkakahakbay sa akin.

"Kalma lang, kapatid." Sabi ko sa kanya.

Napunta na lamang atensyon ko kay Sir Johnser nang marinig na pinipindot na nito ang password sa pinto ng condo nito. Ito 'yong napapanood ko sa mga movie, high tech na yung mga pintuan. Hindi na siya doorknob, kundi iki-click mo lang ang password saka bubukas na.

Nandito kami sa isang mamahaling hotel plus mukhang sikat ito at mga mayayaman nakatira. Sabi kasi ni Sir dito muna kami samantala titira sa condo niya. Naipaliwanag na rin namin bakit kailangan namin itago si Pubg. Bagkus wala kami ka-ide-ideya sa katauhan ni Pubg at bakit gusto siya kunin ng mga lalaki, di naman namin siya pwede pababayaan na kunin na lamang siya ng mga ito.

May tiwala kami na mabait na tao si Pubg. Ramdam namin na hindi siya masamang tao. Kung ano man dahilan bakit may gustong kumuha sa kanya, di pa rin namin siya pababayaan. Naging kapatid na ang turing ko sa kanya.

Nabuksan na nga ang condo ni Sir."Dito muna kayo pasamantala titira. Huwag kayo mag-alala, walang ibang nakatira dito. Natutulog lang ako dito pag naisipan ko lang." sabi ni Sir Johnser.

Nauna na ngang pumasok si Sir sa loob at sumunod naman kami dito. Napa-'wow' naman kami pareho ni Pubg nang makita ang kagandahan ng condo ni Sir. Amoy mamahalin at mukhang mayayaman ang tumitira dito. Nakakahiya sa amin na mga low levels na tumungtong sa ganitong lugar, napapatanong na lamang kami kung deserve pa namin makatungtong dito.

"Dito ang sala," sabay turo ni Sir kung nasaan kami ngayon nakatayo."Dito naman ang kusina at diyan naman ang kwarto." Tinuro naman ni Sir kung saan naka-pwesto ang nga iyon."May CR na na sa loob ng kwarto baka bumaba pa kayo. Kung gusto n'yo manood ng T.V, nandyan yung remote. Kung gusto n'yo kumain, puno ang ref kumuha lang kayo. Wag kayo mahihiya, libre kayo ng pagkain dito."

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now