Mr. Stranger 71:

409 16 1
                                    

Pagpapatuloy...

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Ros, nandito na tayo!" Nakatanaw sa bintana na sabi ko. Nadadaanan na namin ang lugar na kalapit ng barangay na pinagmula ko.

Nakita ko pang naglalakad sa kalsada ang taong kilala ko pati na ang mga naging kaklase ko noong elementary ako. Alas nuwebe na ng gabi kami nakarating dito pero kahit ganoon, marami pa ring tao sa nadadaanan naman.

Nakangiting tumingin ako kay Ros at nakita ko naman itong nakatingin rin sa labas. Nakangiting tumingin siya sa akin at may sumilay na ngiti sa labi nito.

Huminto naman ang bus na sinasakyan namin. Sa pagtataka, napatingin naman kami sa unahan at nakita naming huminto rin ang bus na sinasakyan nila Sir Johnser. Nakita pa namin may lumabas sa sinasakyan nila Sir na lalaki kaya lumabas rin ang tauhan ni Ros.

Sumilip pa ko sa labas ng bintana para panoorin sila. Base sa gesture na ginagawa nila, mukhang may malaking problema.

Pumasok na nga ito pagkatapos nito makausap ang tauhan ni Sir Johnser na agad naman tinawag nito si Ros.

"Sir Ros, di po makakapasok ang bus sa *****(barangay)." Sabi nito.

"Ano sabi nila?" Tanong naman ni Ros sabay tayo sa pagkakaupo.

"Dito nalang daw po ipapark ang bus sa gilid kalsada. Maglalakad na lang raw tayo papasok sa **** (barangay). Saka po naka-abang na rin po ang kapitan." Paliwanag nito.

"Kapitan? Kapitan ng barangay namin, si Kapitan Kiko." Nakangiting bulalas ko kaagad kaya napatingin sa akin si Ros.

"Sige." Baling ni Ros dito. Humarap na nga si Ros sa mga kasama niya."Narinig nyo naman pinag-usapan namin ni Harvey?" sabi niya dito.

"Opo." Sabay-sabay sagot ng mga ito.

"Mag-ready na kayo dahil maglalakad na tayo." Sabi niya dito.

Kanya-kanya naman ayos ang mga ito. Kuha ng mga bagahe na nilagay nila sa itaas. Bago paman kunin ko ang bagahe ko ay bumaling pa sa akin si Ros.

"Ako magdadala ng gamit natin." Prisinta nito.

"Hmm, okay." Payag ko nalang.

Kinuha na nga niya ang bag namin sa itaas. Pagkakuha, sinuot niya ang bag ko na naglalaman ng mga damit ko habang ang bag naman niya ay buhat niya ng isang kamay niya.

"Let's go." Hinawakan nito ang kamay ko at saka naglakad papuntang labasan ng bus.

Nakangiting nagpaakay lamang ako sa kanya.

Nakita naman namin na nagtitipon na ang lahat sa daan papasok sa barangay namin. Nakita ko kaagad ang kapitan naming si Kuya Kiko na kausap sila Sir Johnser.

"Maraming salamat po talaga dahil napili n'yo ang barangay namin." Pasalamat ni Kapitan Kiko kay Sir Johnser at nakipagkamayan dito.

"Walang anuman po." Nakangiting sagot naman ni Sir dito.

Nang malapit na kami sa kinaroroonan ng mga ito saka ko naman tinawag si kapitan.

"Kuya Kiko!"

Napalingon naman ito. Nang makita ako ni Kuya Kiko, mabilis naman ako kumaway-kaway habang hawak pa rin ni Ros ang isang kamay ko. Bahagyang nagulat naman ito nang makita ako.

"Elizabeth." Bulalas nito sa gulat.

Nang makalapit kami ni Ros dito saka niya ako binitawan. Mabilis ko naman niyakap si Kuya Kiko. Isa siya sa tumulong sa akin mapalibing ng maayos si mama. Dahil wala akong masyadong pera, siya gumastos ng lahat pagpapalibing kay mama. Kung yumaman ako, di ko siya kakalimutan dahil isa siya sa tumulong sa akin noong panahong gipit na gipit ako. Siya kaagad bibigyan ko ng blessing na natanggap ko sa buhay ko.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu