Mr. Stranger 14:

1.3K 41 2
                                    

Pagpapatuloy...

THIRD PERSON POV:)

"Galing mo, Ros!" Sabi nila Jero at Jake at di niya alam ano sinasabi nito.

Tangkang makikipag-appear-an sa kanya ang dala at hindi niya alam kung ano ibig sabihin ng mga sinabi nila sa kanya kaya di siya rumesponse sa pakikipag-appearan nito. Sila Jake at Jero nalang nag-appear.

Kunot-noo na tinititigan pa rin ni Ros ang mga ito dahil di niya talaga alam ano sinabi ng dalawa.

"What they are saying, Bossbrad?" Baling nalang niya kay Anthony na busy na kinakain ang binili nilang burger. Siguro ito magbibigay sa kanya ng paliwanag ano sinabi nito sa kanya ng dalawa.

"Galing means, good job." Translate ni Anthony sa kanya.

"Ahhh... Galing? Wow. I will save it." Nakangiting sabi niya.
Biglang sumulpot nalang sa gilid niya si John.

"I will teach you to speak tagalog, Ros?" Prisinta ni John sa kanya.

"Yeah! Sure!" Tuwang-tuwa na payag naman ni Ros agad.

Binatukan ni Anthony si John sa ulo halos napa-aray ito.

"Baka mali ang ituro mo dyan! Ang bobo mo kaya sa english!" Sabi nito dito.

"Aba! Pabibo ang loko!" Sambit ni Jero.

"Bobong pabibo, tol!" Dugtong naman ni Jake. At tumawa silang dalawa at nag-appear-an pa.

Tiningnan ng masama ni John ang dalawa at pinagsisipa ito sa pwet. Panay tawa lang ang mga ito na parang okay lang iyong sipa sa kanila ni John.

"Kala mo kung sinong matalino rin sa english. Uy! Di ako nag-iisa! Bobong tanga rin kayo!" Sumbat ni John sa dalawa at hindi magpapatalo. Bumaling na ulit ito kay Ros at tumikhim."Where do you want to start in learning?" Tanong nito sa kanya ni John.

"Syempre sa basik. Tanga!" Sabay turan na naman ng dalawa na sina Jake at Jero. Tumawa na naman sila.

"Basik? Basic, di basik. Ang tanga! Ang bobo nyo!" Sumbat naman ni John dito.

Kahit papaano naiintindihan naman ni Ros ang pag-uusap ng mga ito. Di niya alam natatawa nalang siya sa bangayan ng mga ito. Napakamot na lamang sa ulo si Bossbrad at tinutuon nalang ang sarili sa kinakain niyang burger.

Galing sila ng Luneta Park at nagpasyal lang. Nilibot siya ng mga ito kaya sigurado niyang di na siya maliligaw dahil kabisado na niya ang daan pauwi.

"Okay. Give me a short sentence." Baling ni John sa kanya.

"I am handsome." Bigay niya ng ita-translate ni John sa english.

"Guwapo ako."

"G-guwapo ako? Ahhh..." Sambit ni Ros habang patango-tango.

"Guwapo means handsome. Ako means me or I. Kaya guwapo ako ang meaning ng I am handsome." Paliwanag nito dito.

"How about hmmm...ah! Your so beautiful." Bigay ulit ni Ros.

"Ang ganda mo." Translate naman nito.b"Because 'ganda' means beautiful. Gets?" Nakangiting sabi ni John sa kanya.

"Okay!" Mukhang manghang saad ni Ros sabay nag-'OK' sign pa sa kamay."How about this? Hmmm, she is ugly." Bigay ulit niya.

"Ang pangit nya, t*ng-ina. That is the translation of that." Natatawang sabi ni John palihim na binatukan siya ni Anthony."Aray!"

"Ros, wag kang maniniwala dyan. Tinuturuan ka nya ng mga kalokuhan." Sabi ni Bossbrad sa kanya.

"Ang pangit nya, t*ng-ina." Sambit ni Ros sa sinabi ni John.

Panay tawa naman si John pati na dalawa pang alipores ni Anthony.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now