Mr. Stranger 5:

1.7K 53 0
                                    

Pagpapatuloy...

DYLAN LORENZO POV:)

"Wala na ang tagapagmana ng Uphone. Paano na nito? Hindi maaaring mapunta iyon sa panganay na anak ni Mr. Sy." Makahulugang sabi ni Papa nang pinuntahan ko siya sa office ni Sir Cedric na kasalukuyan na wala ngayon dito sa loob.

Isa rin na tauhan ni Sir Cedric si papa at malaking utang na loob namin sa pamilya nila dahil di dahil sa kanila, wala na sana ngayon si Mama. Sila ang nagpa-opera at gumastos lahat sa hospital. Nagkaroon kasi ng tumor si Mama sa utak na mabuti naman na-operahan ito agad.

Laking pasasalamat ang magulang ko sa kanya kaya noong baby palang ako, napagdesisyon ng mga magulang ko na maging butler ako ng bunsong anak ni Mr. Sy at maninilbihan na kami sa pamilya nito.

"Papa, may mali ba kung si Johnser humawak sa kompanya ni Mr. Sy?" Tanong ko dito.

Tiningnan ako ni Papa at agad na bumawi ito ng tingin. Napahawak nalang ito sa ulo nito at halatang namomroblema din.

"Di mo alam, anak bakit ayaw namin si Johnser ang magmana ng lahat na iyon." Makahulugang turan lang ni Papa.

Alam ko naman na masama si Sir Johnser at may sakit ito sa pag-iisip. Madali ito magalit at di makontrol minsan nito ang galit. Pero mabait naman ito kaso minsan bumabaliktad isip nito pag di niya nagustuhan ang gusto niyang mangyari.

"Kung alam nyo lang papa na inutusan ako ni Sir Johnser na ipapatay ang kanyang kapatid. Wag kayong mag-alala papa, nasa mabuting kamay ngayon si Clive. Di ko siya pinatay, tinakas ko lang siya sa kasamahan ni Sir Johnser." Sa isip kong sabi.

Di ko kayang patayin si Clive. Kahit di niya ako pinapansin o di kami masyadong close, tinuring pa rin niya akong mahalaga sa kanya noong nasa States kami. Mabait si Clive at di ko kayang pumatay ng tao.

"Paano na'to? Namomroblema na si Mr. Sy dahil nawala ang nag-iisa tagalagmana." Problemadong turan na lamang ni papa halos nasabunot na nya ang buhok niya.

Nagtataka na ako sa ikinikilos ni Papa. Bakit ganun nalang siya mamroblema? May mali ba at masama kung si Johnser na ang maging CEO ng Uphone?

"Bakit, Papa? Sabihin nyo ang alam nyo?" Takang tanong ko halos kumunot na ang noo ko.

"Si Jayson Clive Sy at Johnser Sy ay gshxhcjsjcm..."

"Ano?" Gulat na bulalas ko sa nalaman.

MANDY YU POV:)

Naglalakad ako papunta sa food court nitong Uphone Company. Papunta ako sa dati kong binibilhan na coffee nang makita ako ng mga chismosa kahapon. Nakatingin sila sa akin at parang may pinag-uusapan.

Di ko sila pinansin bagkus nag-chin up lang ako habang naglalakad at nilagpasan ang table nila.

Di pa ako nakakalapit sa binibilhan kong coffee nang nagulat akong sumulpot yung isang chismosang babae sa gilid ko.

"Hi! Pwede magtanong?"

"What?" Tanong ko nang makalapit na sa binibilhan kong coffee."Vanilla." Sabi ko sa babaeng nagbabantay.

"Di ba, ikaw si Mandy Yu? Anak ng nagmamay-ari ng Sumex?" Paniniguro nito.

Tiningnan ko ito na may malditang tingin."Yeah! Ako nga, bakit?"

Tumingin ito sa mga kaibigan niyang nasa table."Sabi ko na sainyo. Siya nga iyon." Mahinang sabi niya sa mga kaibigan niya.

Nagbayad na nga ako at kinuha ang inorder kong coffee. Naglakad na ako para umalis kaso biglang hinarangan nito ang dadaanan ko.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now