Mr. Stranger 28:

589 21 1
                                    

Pagpapatuloy...

JOHNSERY SY POV:)

Nandito ako ngayon sa sementeryo, dinalaw ko ang mama ko. Mula nang mamatay siya, wala nang nakaalala sa kanya. Kahit banggitin ang pangalan niya, wala. Lahat sila, kinalimutan na nila si Mama.

Dala ang mga bulaklak at chocolate na nilapag ko iyon sa puntod ni Mama.

"Ma? Kamusta kana? Sorry kung every once a month lang ako nakakadalaw sayo. Napaka-busy ko na kasi. Pero may goodnews po ako dala. Ako ang magiging tagapagmana na ng kompanya ni Papa. Basta mama long story. Sana mapatawad nyo ko sa ginawa ko." Sabi ko nang kinakausap ko si Mama. Yumuko ako at bahagyang nalungkot."Mama, alam mo bang miss na miss na kita?" Doon na tumulo ang luha ko.

Pinunasan ko ang luhang pumapatak sa aking mga mata.

Pilitin ko man di umiyak pero traydor ang aking mga luha. Oo, matapang ako pero di nila alam na umiiyak rin ako. Umiiyak ako sa pinagdadaanan ko.

"Di ko alam bakit ayaw sakin ng lahat. Ayaw satin nila. Pero sinisigurado ko, magugustuhan din nila tayo, Mama. Papatunayan ko sa kanila na nagkakamali sila ng akala sa atin. Mali ang binabato nila sa atin. Relax lang, Mama, kaya ko ang laban na 'to kahit mag-isa lang ako." Pinilit ko ngumiti kahit gustong-gusto ko talaga ibuhos ang aking nararamdaman.

"Sige, Ma. Aalis na po ako. Baka mamaya, matuloy na yung meeting namin kay Mr. Kailes. Ipagdalangin nyo, Mama sana makuha namin ang loob ni Mr. Kailes. Bye, Mama. Mahal na mahal ko kayo." Paalam ko.

Tumalikod na ako at pumunta sa kotse kung saan ko pinarada.

MANDY YU POV:)

Pumasok ako ng office ni Papa para ibigay sa kanya ang pinapakuha niya sakin kanina sa bahay na naiwan niya kanina. Bahagyang nagulat ako nang maabutan ko na andodoon si Lola Valencia, ang lola ni Johnser at ang assistant nito na si Miss Eladia Panchio. Nakaupo si Lola Valencia at Papa na tila may pinag-uusapan samantala si Miss Eladia ay nakatayo lang sa likuran ng kanyang amo.

"Hindi pa rin ako mako-convince pag hindi tumino si Johnser. Hindi ko sa kanya ibibigay ang pinaghirapan ko." Halatang tutol na sabi ni Doña Valencia.

"Siya nalang ang maaring magmana ng kompanya nyo. Pag hindi sa kanya, kanino mo ipapamana?" Sabi ni Papa.

"I know my grandson is alive. I knew he was just around here. Not only that, but I believe he is not dead yet." Makulit pa rin na saad nito at di pa rin matanggap na iyon ang sinapit ng paborito niyang apo.

"I understand you, Doña Valencia. The pain of losing someone important in your life, and it's hard to accept that you can no longer be with him in the world but take care of yourself. Eat at the right time. Do you think Clive will be happy when you do that? Be brave and fight." Pagpapalakas ng loob na sabi Papa dito.

Bakas sa mukha ni Lola Valencia ang lungkot at hinanakit sa namatay niyang apo. Pinipilit nito di mapaiyak pero halata sa mga mata nito na gusto na kumawala ang mga luhang gusto nang pumatak.

Tahimik lang akong nakatayo sa pintuan at pinariringgan sila.

"Gusto ko talagang pa-imbestigahan ang nangyari sa apo ko. Alam kong may nagtangkang pumatay sa kanya." Sabi nito maya-maya.

Nanatili lamang ako nakatayo sa paanan ng pinto at tila di nila ako napansin na dumating ako.

Hinawakan ni Papa ang kamay ni Lola Valencia."Wag kang mag-alala, Doña Valencia. I will help you find out the truth and pay the one who did it to him." Seryosong pahayag ni Papa.

"Salamat, hijo." Nakangiting saad nito nang ipatong ang isang kamay sa kamay ni papang nakahawak sa kamay nito.

Humiwalay na nga sila nang saka naman ako nakita nila.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now