Chapter 77:

365 18 3
                                    

LEANDRO YU POV:)

"Oo, tama 'to pero baguhin mo ang iba," sabi ko sa empleyadong pinakita sa akin ang papeles.

"Sige po, Sir. Daanan ko nalang po ba mamaya sa office nyo po ito pag tapos ko na?" Tanong nito.

Nag-ring na lamang ang cellphone ko kaya mabilis na kinuha ko iyon sa aking bulsa."Sure," sagot ko dito.

"Thank you, Sir." Nag-bow pa ito bago umalis.

Pagkaalis nito, naglakad na ako pabalik SA office ko at saka ko rin sinagot ang tawag.

"Yes?"

"Sir, nagwawala po si Ma'am Lorisette," ang katulong ko ang nasa kabilang linya.

"Bakit? Ano nangyari?" Takang tanong ko habang patuloy pa rin sa paghakbang.

"Sa study room nyo po siya nagwawala. May nakita po ata si Ma'am dito,"

Natigilan naman ako sa paghakbang. Hindi ko sila pinapapasok roon pero dahil matigas ang ulo niya, siguro nakita nga niya ang bagay na tinatago ko. Alam ko na bakit siya nagwawala ngayon roon.

"Okay. Papunta na ako dyan," aniya.

Binaba ko na ang tawag at dali-dali naglakad paalis.

Pagkaraan ng 30 minutes, nakarating naman kaagad ako sa aming pamamahay. Dali-dali bumaba ako ng kotse at sinalubong naman ako ni Yaya Koring.

"Hijo, kanina pa nagwawala si Madam Lorisette. Di namin siya maawat dahil lahat kami kinakalaban niya. Ikaw lang magpapahinto sa kanya ngayon," alalang pahayag nito sa akin.

"Ako na bahala, Nanay Koring. Salamat po," baling ko dito.

Nagpatuloy na ako sa pag-akyat ng hagdan. Di naman nagtagal nakarating na ako sa study room kung saan nagwawala ang asawa ko. Bumungad naman sa akin ang mga nagkalat na libro sa sahig at mga basag na kagamitan.

Nakita naman ako ni Lorisette na dahilan napahinto siya sa balak niyang itapon ang babasaging base sa sahig.

"You! You lie to me!" Umiiyak na sumbat kaagad nito sa akin.

Lumapit naman ako dito."Please? Calm down. Can we talk---"

Napahinto ako sa paglapit sa kanya nang itapon niya ang base sa harapan ko at nabasag iyon.

"No! No! You're liar! All this years, di ka pa rin nakaka-move on sa ex mo!"

"Please? Mag-usap tayo ng masinsin---" hindi ko ulit napatuloy ang sasabihin ko nang kinuha niya ang isang logbook at binuklat iyon.

Tumambad naman doon ang mga tinago kong picture namin ni Cassandra noon.

"See? May anak kana pero may nararamdaman ka pa rin sa babae mo," Kinuha nito ang picture at pinunit lahat."Sana pinatay ko nalang siya! Sana hindi ko hinayaang paalis siya nila mama at papa! Sana patay na siya!" Galit na galit na sambit nito habang isa-isa niya pinupunit ang mga litrato."D*mn you!" Sigaw niya sabay kinalat ang mga natitirang litrato.

Lumapit ako dito at niyakap kaagad ito."I'm sorry," nang nagpupumiglas pa ito, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"Naagaw na kita sa kanya, naging asawa at nagkaroon na tayo ng anak pero bakit siya pa rin?" Madamdaming pahayag nito. Kumawala ito sa pagkakayakap ko sa kanya. Lumuluha ang mga mata na tumitig ito sa aking mga mata."Hanggang ngayon ba, siya pa rin ang gusto mo?" Tanong nito sa akin.

Natigilan naman ako sa tanong nito. Minahal ko ba si Lorisette? Oo, mahal ko si Cassandra pero...

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at seryosong tumingin sa mga mata ko habang may lumalabas pa ring luha sa mga mata niya.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now