Chapter 4

840 35 4
                                    

Nagising si Yassi dahil nakaramdam sya ng pangangalay. She realized na nakahilig ang ulo nya sa balikat ni Simon. Sinilip nya ito. Nakapikit ang lalaki. He must be sleeping, bulong nya sa sarili.

Napatitig ang dalaga sa mukha ng amo. Without realizing, nailapit na nya ang kanyang mukha dito. Para kasi syang na-hypnotize dito. Kinakabisa nya ang bawat detalye ng mukha ng kanyang amo. Mula sa mata, ilong labi... She was staring at him intently nang biglang nagmulat ito ng mga mata.

Pareho pa silang nagulat dahil sa nangyari.

Dahil doon nagregodon ang tibok ng puso ng dalaga. Shacks!

Nanigas sya sa hiya!

"Sir may lamok pumatong sa tungki ng ilong mo. Itataboy ko sana kasi baka kagatin ka." Napakagat ng labi si Yassi. Ang hirap magsinungaling! At sana paniwalaan sya ng kanyang boss. Haizzt!

Umisod palayo ang dalaga. Hindi na tiningnan ni Yassi si Simon. Sa labas na lang sya tumingin.

"Aren't you afraid now?" tanong ng binata. Naniwala naman yata sa sinabi nya. Normal lang naman kasi ang kilos nito.

"Yes po Sir. Medyo okay na po ako. Nawala na po yung kaba ko." tumingin si Yassi kay Simon kasi kinakausap sya nito.

Tumango si Simon pagkuwa'y tinanong ang piloto kung malapit na ba sila sa Maynila. Mga 20 minutes na lang daw at malapit na sila.

Mahabang patlang.

Tahimik na minamasdan ni Yassi ang view  sa baba. Kung kanina takot na takot sya ngunit ngayon ay kalmado na sya. Napaglabanan na nya ang takot dahil nahihiya na syang mangunyapit sa katabi nyang binata.

Sa helipad ng isang building nag-landing ang sinasakyan nilang chopper. Inalalayan sya ni Simon sa pagbaba at kaagad naman silang sinalubong ng dalawang lalaki na nakaabang na sa kanila.

Saglit lang at nasa loob na sila ng building. Nasa unahan ang isang lalaki na tiyak ni Yassi na bodyguard ng binata. Kasunod si Simon na sinusundan naman nya. Nasa likuran ang lalaking may dala ng maleta nya at bag ng amo.

Sumakay sila sa lift ng elevator. At sa basement ng building naghihintay na roon ang isang magarang sasakyan na di alam ni Yassi kung anong model. Basta maganda yun at nangingintab pa na parang bago lang.

Nilagay ng tauhan ng binata ang maleta nya sa trunk ng kasunod na sasakyan.
Ipinagbuksan sya ni Simon ng pintuan ng kotse. Nahihiya namang pumasok sa loob si Yassi. Sya ang Personal Assistant pero itong amo pa nya ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan. Shacks! Babawi na lang sya kapag nagsimula na siya sa trabaho. Pero teka dapat ngayon na di ba?

Ipinagbukas naman ng pinto si Simon ng driver nito. Nakaabang na kasi ito sa kabila.

Pagkuwa'y pumasok na sa loob ang driver.

Hinila agad ni Yassi ang kanyang seatbelt. Maayos naman nya yung naikabit. On her peripheral vision alam nyang nakatingin sa kanya si Simon.

Sumulyap ang driver from the front mirror.

"Sir okay na po ba?"

"Yeah. Let's go."

Umandar na ang kotse.

Sa labas ng bintana nakatingin si Yassi.

Hindi naman sya ignorante sa Maynila dahil ilang ulit na rin naman syang nakaluwas. Dito sya nag-OJT, sa isang kilalang hotel.
May kamag-anak ang nanay nya na nakatira sa Taguig. Ilang beses na syang nakapunta roon.

Napangiti si Yassi habang minamasdan ang mga nagtatayugang establisyemento. Wow nasa lungsod na talaga siya!

Hindi trapik ng oras na yun. Siguro inabot lang sila ng 20 minutes sa byahe.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon