Chapter 47

512 35 19
                                    

"Ha? Saan? Sige pupunta na ako dyan!"

Kakagising lang ni Yassi nang matanggap nya ang tawag ni Sonia.

Dinala si Simon sa hospital dahil nawalan ng malay.
Kwento ni Sonia, kakatukin sana nya ang binata para sa sabihing nakahanda na ang agahan nito ngunit hindi sumasagot ang binata. Medyo nakaawang ang pintuan ni Simon kaya sumilip sa loob si Sonia at doon nakita nyang nakahandusay sa sahig ang amo malapit sa side table nito.
Kaya agad nilang isinugod sa hospital si Simon.

Mabilisang naligo si Yassi.
Matapos magpalit ng damit ay hinagilap nya ang kanyang shoulder bag at lumabas na ng silid.

Sa elevator na sya nagsuklay.

"Sonia!"

"Yassi!"

"Kumusta siya?" tukoy ng dalaga kay Simon. Hangos nyang hinanap ang room ng binata. At nasa tapat ng room nito sa labas, si Sonia.

"Kalalabas lang ng doctor. I-a-assess yung mga ginawang test kay Sir."

"Pwede bang pumasok sa loob?" tanong ni Yassi.

"Oo, hinintay lang talaga kita dito sa labas."

"Bakit sya nawalan ng malay?"

"Hindi rin namin alam. Basta nakita ko na lang sya sa sahig. Tapos nasa sahig din yung ibinigay kong cellphone sa kanya. Yung cellphone na nakita ko sa silid ni Sir Sandro."

Kumunot ang noo ni Yassi.

"Kulay silver ba na iphone unit?"

"Oo, yun nga."

Kumabog ang dibdib ni Yassi. Yun ang gamit na cellphone ni Simon bago sila maaksidente.

Pumasok sa loob ang dalawa.
Naka-dextrose na si Simon. Nakapikit at tila natutulog.

Tinitigan ni Yassi ang mukha ni Simon nang makalapit sila ni Sonia.

Ang gwapo pa rin nya kahit sa ganoong sitwasyon.

Kung wala lang siguro si Sonia, baka hinaplos na nya ang mukha ng binata.

Kumurap-kurap ang mga mata ni Simon.

Nagkatinginan sina Yassi at Sonia.

Nang tuluyan nang magmulat ng kanyang mga mata ang binata ay napatingin ito kay Yassi.

"Yassi... My love!" bulalas ng binata sa paos na tinig.

Bahagyang natigilan ang dalaga. Tama ba ang narinig nya? Tinawag syang my love ni Simon?

"Si...."

"My lost memories went back. I'm sorry my love. I didn't mean to forget you." anas ng binata.

Nanubig ang mga mata ni Yassi. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaction nya. Masaya, yes!

Ibinuka ni Simon ang mga bisig nya.

Lumapit si Yassi.

Then they hugged each other. So tight. Na-miss nila ang isa't isa.

Dahan-dahang humakbang si Sonia palabas ng silid para magkaroon ng privacy ang dalawa. Masaya sya sa mga narinig. Bumalik na ang alaala ng kanyang amo.

Personal na inasikaso ni Yassi si Simon habang nasa hospital. Nagpapasalamat sya dahil hindi nagawi roon si Marianna.

Matapos masuri ng doktor ang kalagayan ni Simon, sinabi nito na pwede nang madischarge ang binata kinabukasan. Wala namang anumang nakitang problema sa mga tests na ginawa dito.

Nakarating na rin sa pamilya Marcos ang nangyari kay Simon.

Bago pa man madischarge kinabukasan ang binata ay lumuwas na sina Donya Luisa, Don, Fernan, at Vinny, kasama si Sandro.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon