Cbapter 38

388 26 15
                                    

"Tama ba ang narinig ko Yassi?" tanong ni Manang Belen.

Tumango tango ang dalaga habang patuloy na pumapatak ang mga luha.

Napaantada si Manang Belen.

Nangilid ang mga luha.

"Diyos ko, salamat naman kung ganon."

Inikutan nila si Yassi at niyakap ang isa't isa.

Maya-maya lang ay nagsalita si Sonia.

"Kung makaiyak itong si Yassi akala mo kung ano na ang nangyari kay Sir. Tears of joy lang pala."

Nagkatawanan sila.

Nahihiyang tumawa din si Yassi.

Masayang-masaya sya sa ibinalita ni Sandro.

Nang gabing yun taimtim na nanalangin si Yassi at nagpasalamat ng husto sa Diyos.

Gusto nang hatakin ni Yassi ang mga araw. Bagamat maraming gawain sa opisina ni Sandro, tila nakakainip ang paglipas ng mga oras.

Katatawag lang ni Sandro nang araw na yun.

Sabi nito nagpapalakas na lamang ang kapatid. At may gagawin pang pagsusuri kay Simon bago tuluyang makabalik ng Pilipinas.

Hindi raw makapaniwala ang mga doktor na muling magigising si Simon na tila galing lamang sa mahabang pagtulog. Isang himala ang pagkakagising ni Simon.

Naging constant ang communication nila ni Sandro habang nasa Amerika ito.

Nahihiya syang magtanong sa binata kung nababanggit ba sya ng kapatid nito. Pero ayos lang naman sa kanya ang importante buhay si Simon.

"Oyyyy, excited!" tudyo ni Merly.
matapos nilang mag-usap ni Sandro.

Nginitian lang ni Yassi si Merly. Nahihiya syang bistado na sya ng mga ito. Maikakaila pa ba nya ang ugnayan nila ni Simon gayong halos magunaw ang mundo nya noong nasa peligro ang buhay ng binata.

Kasundo na nya si Merly at naging kapalagayang-loob. Naging mabait at maayos na ang pakikitungo nito sa kanya mula nang maoperahan ang ama.

"Kelan daw ang uwi nila?" tanong ni Sonia.

"Sa darating na Sabado." tugon ni Yassi.

"Wow malapit na! Anong plano? Wala bang pa-welcome home?" si Merly ulit.

Napaisip si Yassi.

Mukhang maganda ang ideya na yun. Maghahanda sila ng munting salu-salo. Ipagluluto nya si Simon ng mga paborito nitong pagkain.

Isasangguni muna nya kay Sandro ang naisip na ideya ng mga kasama.

Nang gabing yun abala ang isip ni Yassi.

Nasasabik syang makitang muli ang nobyo.

Ilang buwan din silang hindi nagkita at ngayong pauwi na ito gustong magtatalon ng puso nya sa kasabikang muling mayakap at mahagkan ang kasintahan.

Wala silang direktang komunikasyon ni Simon. Tanging kay Sandro lamang sya nakakabalita ng tungkol sa binata.

Ganoon pa man, masaya sya dahil ligtas na sa peligro ang binata.

Sabi ni Sandro, halos hindi makapaniwala ang medical team ni Simon dahil nagising pa ito. Isang himala daw yun.

"𝘔𝘪𝘴𝘴 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰? 𝘔𝘪𝘴𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘪𝘴𝘴 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘚𝘪, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰."

Habang nagpapahinga sa kanyang silid ay kinakausap ni Yassi ang larawan ni Simon na nasa cellphone nya.

Ilang tulog na lang naman at magkikita na sila.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon