Chapter 54

640 41 20
                                    

She got a call from Blaze. Off na ng mga tao nya at mag-isa na lang nya ngayon sa resto.

"Oy kumusta? Asan ka ngayon?" tanong nya dito. It's been a week mula nang hindi na sya sumama sa gig ng mga ito.

"Stop na kami sa pagba-banda." pagbabalita ng binata.

"Why?" nagulat ang dalaga sa balitang yun ni Blaze.

"Myles is pregnant."

Nanlaki ang mga mata ni Yassi.

"What?"

"Yeah. She confirmed it the other day. Aside from that, sarado na ang resto bar dyan sa kalapit ng place mo."

Lalo nang ikinagulat yun ni Yassi.

Nalungkot sya sa mga nawalan ng trabaho sa Sunrise View. Nainis tuloy sya sa bagong may-ari. Nagsara ito kahit malakas naman ang resto bar. Ang buong resort kaya, nag-ooperate ba?

"So saan na kayo ngayon?" malungkot nyang tanong.

"I can get by. I have businesses. Sina Ram and Josh ang inaalala ko. All their lives sa pagbabanda sila nabuhay. But I have a friend in Manila. May mga natapos naman yung dalawa. Maybe my friend could help them get a job."

Napahanga si Yassi kay Blaze. Ang laki ng puso nito sa mga kaibigan. Kagaya noong panahong sya ang tinulungan nito.

"Asan ka ngayon? Drop by here, I-treat kita ng foods." lambing nya dito. Gusto nyang siya ang magbigay ng reward kay Blaze dahil sa kabutihan nito sa kapwa.

"Talaga? Medyo malayo pa ako eh."

"San ka ba?"

Sinabi ni Blaze kung asan sya.

"Hintayin kita kahit anong oras ka dumating."

Napangiti si Blaze.

"Okay. I'll drive faster now." aniya.

"No!" biglang nag-alala si Yassi. "Wag kang magmadali please." may trauma na sya sa aksidente at ayaw nyang mangyari sa kahit kaninong kakilala nya ang nangyari sa kanya before.

"Alright."

Nagluto ng espesyal na hapunan si Yassi. Tumawag sya sa kanyang nanay at sinabing sa resto sila magdi-dinner ni Blaze.

Tumunog ang cellphone sa counter. Ito yung cellphone na ginagamit nila to accept orders for deliveries.

Sinagot nya ito.

"Hello good evening."

"Is this Yummy Place?" the man on the other line has husky voice. May naalaala syang ka-boses nito.

"Yes Sir. This is Yummy Place but we're already closed."

"I see..." narinig nya ang pagbuntong hininga ng lalaki at maya-maya boses ng batang babae na umiiyak ang narinig nya.

"Dada, I'm hungry na. I don't like milk. I want rice and chicken."

"Okay baby. Don't cry na. I am going to buy you foods. Wait lang ha. Maghahanap pa si Dada ng mabibilhan. "

Naawa si Yassi sa umiiyak na bata.

"Ah okay. Thank you na lang." sabi ng lalaki at mukhang ii-end na nito ang call.

"Teka lang Sir. Kung makakapaghintay po kayo, ipagluluto ko po ng makakain ang bata. Ah... pati na rin po kayo."

"Thanks." tila nabunutan ng tinik ang kausap ni Yassi.

"Give me 30 minutes po Sir. Saan po ba kayo?"

"Sunrise View Resort." Ayaw na sanang tumanggap ng order si Yassi ngunit kawawa naman yung batang nagugutom. Bakit kasi hindi nakabili ng makakain itong kausap nya.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon