Chapter 31

451 28 0
                                    

"Si!" nagulat si Yassi nang pagbuksan niya ng pinto si Simon.

Kaagad pumasok sa kanyang silid ang binata at yumakap sa kanya.

"I miss you." anito.

Napangiti si Yassi at tumingala sa binata.

"You missed me agad ilang oras ka lang nawala. Teka bakit ang aga nyong umuwi?" tanong  ng dalaga.

Humugot ng malalim na hininga si Simon.

"I left them. I told you, I am not a party goer. But I called up Kuya Sandro before I went home." sagot ng binata.

"Gutom ka ba? Baka di ka nakakain ng maayos sa party. Bihis ka muna at ipaghahain kita." anang dalaga.

"Nope. Mas gusto kong kayakap ka."

Napatitig si Yassi sa kasintahan.
Nagtatanong ang kanyang mga mata.

"I love you Yassi. I hope one day I could tell the world that you are mine and I am yours..." madamdaming bulalas ni Simon.

And pagkatapos sabihin yun, inilapat nya ang kanyang labi sa mga labi ng dalaga.

Napapikit si Yassi.
Ninamnam nya ang matamis na halik ng binata.

Simon is so expressive of his feelings.
Ang saya ng puso nya.

Ahhhh... ang sarap magmahal ni Simon!

Pero sino si Marianna sa buhay ng kasintahan?

Hanggang ngayon walang ikinukwento si Simon sa mga past girlfriends nya. Okay lang yun sa kanya. Ngunit itong Marianna tipong gustong-gusto ni Donya Luisa. Nabanggit ito ng ina ni Simon habang kumakain sila noong nakaraan.

Naiinsecure sya dito.

"Sir may bisita po kayo. Si Ms. Marianna po." tawag ni Jackie sa kanyang boss mula sa intercom.

Napatingin si Simon kay Yassi na abala sa kanyang ginagawa.

Martes ng araw na yun. Hindi nya inaasahan na pupuntahan sya ng dalaga sa kanyang opisina since pagkakaalam nya babalik din agad ito sa UK pagkatapos ng birthday celebration ng ina.

Napabuntong-hininga si Simon.

Wala syang choice kundi harapin si Marianna.

"Please tell her to wait for me at the lobby. Don't let her in." utos ni Simon sa sekretarya.

Napasimangot si Marianna nang sabihin yun ni Jackie. Bumaba ulit sya sa lobby para doon hintayin ang binata.

Tumayo si Simon mula sa kinauupuan.

Pumunta sya sa mesa ni Yassi.

"I'm leaving. May kakausapin lang akong tao. I'll send you foods to eat. I'll be back soon." paalam nya sa kasintahan.

Nginitian ni Yassi ang binata.

"Mag-ingat ka."

Simon nodded. Hinagkan nya sa noo si Yassi bago lumabas ng opisina.

"Girl saan daw nagpunta si Sir? tanong ni Jackie kay Yassi nang kumakain na sila sa pantry.

Inalok ni Yassi ang dalaga na saluhan syang kumain sa pantry dahil maraming pagkain ang pinadeliver ni Simon.

"May kakausapin daw eh." sagot ni Yassi.

"Ah hindi sinabi? Saan kaya sila mag-uusap ni Ma'am Marianna?" nakataas ang isang kilay na bulalas ni Jackie.

Napatingin si Yassi dito.

"Marianna?" ulit niya.

"Oo. Galing sya dito kanina. Pero hindi pinapasok ni Sir sa kanyang office, sa lobby na lang pinaghintay. Alam ko girlfriend yun ni Sir eh. Pero sabi ex na raw. Sikat na model yun. Ang sexy at ang ganda di ba?"

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon