Chapter 48

467 42 12
                                    


"Yassi, let me explain. I didn't know this will happen... "

Tinitigan ng matiim ni Yassi ang binata.

"Ang sakit Si..." hinagpis ng dalaga."Ang sakit!"

Patakbong tinungo ni Yassi ang pinto.

Malapit na sya sa gate nang masalubong nya si Sandro.

"Yassi? Why you are crying?"

Umiling si Yassi.

Nagmamadali syang lumabas ng gate.

Dere-deretso sya sa pagtakbo patawid sa kabilang kalsada. Alam nyang kasunod nya si Simon. Ayaw nyang maabutan sya nito.

Hindi nya napansin ang isang paparating na sasakyan.

Nagulat ang driver sa biglang pagsulpot ni Yassi mula gilid ng kalsada.

Huli na nang maipreno ng driver ang minamanehong sasakyan.

Masakit ang ulo ni Yassi nang magising. Puting kisame ang unang tumambad sa kanyang paningin.

Kumikirot ang kanyang ulo. Hinawakan nya yun at napagtanto nyang may benda yun hanggang sa sentido. Napangiwi din sya dahil masakit ang kanyang katawan.

Inisip nya kung ano ang nangyari sa kanya.

Doon nya naalala na nabangga nga pala sya ng isang sasakyan.

Napatingin sya sa kanang bahagi ng kinahihigaang hospital bed.

Isang lalaki ang nakasubsob sa kanyang kama. Hawak nito ang kanyang palad.

"Si..." paos ang tinig na tawag nya. Kilala nya ang bulto ng katawan ng binata. Alam nyang si Simon yun.
Hindi ito gumalaw.

Inulit nya ang pagtawag.

"Si..."

Umangat ang ulo ng binata. Umaliwalas ang mukha nito kasabay ng panunubig ng mga mata.
Halos maiyak si Simon nang makitang gising na si Yassi.

"Thanks God you're awake now!" Tumayo si Simon at dumukwang sa mukha ng dalaga. Gustong-gusto nyang yakapin si Yassi.

"Wait my love, I'm gonna call your doctor."

Nagmamadaling lumabas si Simon at pagbalik may kasama na itong doctor at nurse.

They check her vital signs.

"Good thing wala pang 24 hours nagising na ang pasyente. Her MRI, CT-scans, and x-ray results showed no serious injuries. She only need to rest but definitely, we still need to observe her condition, 3 to 5 days."

Tumango tango si Simon.

"Ah hija, may masakit ba sa iyo?" tanong ng doktor sa dalaga.

"Masakit po ang ulo ko Doc saka ang katawan."

"That's normal. Your head hit the ground as well as your body. Good thing, lahat ng results ng mga test mo showed no significant injuries in your body and in your head. Your wound in your head is not that bad though we had to stitch it dahil medyo mahaba. Konting pahinga lang dito sa hospital at makakalabas ka na. " nakangiting sabi ng doktor sa dalaga.

Tumingin ang doktor kay Simon.

"I'll be here tomorrow. Ipanatag nyo na ang loob nyo Mr. Marcos." sabay tapik sa balikat ng binata na sabi ng doktor.

Nagpasalamat si Simon dito.

Lumabas na ang doktor at ang kasamang nurse.

Saktong kadarating lang din ni Sandro.

Silent PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon